Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Peanut bininyagan na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBINAHAGI nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang isinagawang pagpapabinyag nila sa kanilang panganay na anak na si Baby Peanut o Isabella Rose Tawile Manzano sa pamamagitan ng kanilang Instagram.

Kasamang ibinahagi ng mag-asawang Luis at Jessy sa kanilang Instagram Stories ang ilang litrato ng kanilang pamilya at mga bisita na kuha sa naganap na binyagan.

Naganap ang binyag ni Baby Peanut noong April 23.

Nagbahagi rin ng ilang photos at video sa kanyang social media account ang isa sa ninang ni Baby Peanut, si Alex Gonzaga.

Tinawag nitong kumpare at kumare sina Luis at Jessy na nasa caption na inilagay niya sa kanyang IG Story. 

Proud ding nag-post ng mga picture si Ninang Nikki Gil kasama ang kandila na ginamit sa binyag na may nakasulat na “Ninang Nikki.”

Nag-share rin ng mga picture sa kanyang Instagram page ang celebrity coach na si Kat Garcia.

Wala naman pang inilalabas na official post sina Jessy at Luis ukol sa binyag ng kanilang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …