MA at PA
ni Rommel Placente
MONTHSARY nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales noong April 21. Simple lang nila itong ipinagdiwang. Kumain lang sila sa isang carinderia sa may Espana. O ‘di ba, ordinaryong tao muna ang peg nina Rabiya at Jeric.
Wala silang pakialam na sa carinderia lang kumain instead na sa isang mamahalin o sikat na restaurant.
Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni Rabiya ang simpleng monthsary celebration nila ng ni Jeric. Sa 42-second video, ay makikita ang magkasintahan na kumakain.
Pagbabahagi ni Rabiya, “Ito na nga, nagse-celebrate kami ng aming monthsary sa aming paboritong carinderia sa may España—ang Aling Tenyang’s.
“At ako ay nag-order ng lugaw at siya naman ay pares.
“Nag-order din kami ng dalawang piraso ng lumpia at ng aming paboritong tokwa’t baboy.”
Bagaman at mabilis ang roll ng video, may eksenang sinubuan pa ni Jeric si Rabiya.
Sinabi rin ng aktres na sobrang sarap ng mga pagkain doon.
“Super sulit ng pera ninyo.
“Kami, ang nagastos lang yata namin is PHP177. At kita naman ninyo, guys, busog na busog kami. Enjoy na enjoy kami sa pagkain.
“Kaya totoo talaga yung sinasabi nila, guys, na simple things can be special when you have the right person in your life. Choose love!”