Friday , November 22 2024
Cindy Miranda JM De Guzman

Cindy Miranda at JM de Guzman, patok ang tandem sa Adik Sa’Yo   

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGPAKITA nang husay sina Cindy Miranda at JM de Guzman sa pagganap sa pelikulang Adik Sa’Yo under Viva Films na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Expected na namin ang husay ni JM, pero dito’y pinatunayan ni Cindy na kahit sa comedy ay kaya niyang sumabak. Magaling dito ang actress mula sa kanyang timing magpatawa at hanggang sa magpaiyak sa audience ay pasado si Cindy.

Ipinahayag ng aktres na masaya siya na naging bahagi ng pelikulang ito na isinulat ni Mel Mendoza-del Rosario at pinamahalaan ni direk Nuel Naval,

Wika ni Cindy, “Masaya po ako dahil marami akong natutunan, iyon po ang pinakamahalaga.”

Nabanggit pa ng aktres na paerehong tahimik lang sila ni JM habang nagsu-shooting, pero kapag take na ay in character na agad sila.

“First time namin ni JM na mag-meet sa look-test namin. Pareho kaming tahimik lang, pareho kaming parang may sariling mundo, pero kapag take na ay in character na kami.”

Aniya pa, “Maganda po talaga yung script pero ang hirap talagang magpatawa. Ang nasa isip ko palagi, iyong natural lang. Eh di magiging natural din ang reaksiyon mo.”

Makikita nga sa pelikula ang kakaibang chemistry nina JM at Cindy at tiyak na nag-enjoy ang maraming moviegoers dito. 

Sa pelikulang ito, makikita na ang maadik sa kahit anong bagay ay hindi magandang gawain. Malulong sa droga, sa materyal na bagay, bisyo o pera man – kapag sobra na, nakakasama na.

Pero kung mayroon pang mas malala pa sa pagka-adik sa isang bagay, ito ay ang maadik sa isang tao. Ang mahulog nang sobra sa isang tao ay bibigyan ka ng kaligayahan na hindi maibibigay ng kahit anong droga o materyal na bagay. Pero kaya rin nitong wasakin ang pagkatao mo higit pa sa pagsirang kayang gawin ng masamang bisyo.

Alamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig at kung bakit ito nakakaadik. Paanorin ang Adik Sa ‘Yo, in cinemas nationwide.

Kilalanin si Paulo (JM De Guzman), isang drug addict na labas-masok sa rehab. Kilalanin din si Joy (Cindy Miranda), adik naman kay Paulo.

Matagal nang mag-bestfriends ang dalawa, at matagal na ring may itinatagong feelings si Joy para kay Paulo at lahat gagawin nito basta para sa kanya. In short, marupok si Joy pagdating kay Paulo.

Sa muling pagsubok ni Paulo na ayusin ang buhay niya, kagaya ng dati ay nandiyan lang palagi si Joy, handang tumulong sa kahit anong paraan.

Mapansin na kaya ni Paulo ang feelings ni Joy at suklian ang nararamdaman nito? At ngayon ay mas piliin na lang na maadik sa pagmamahal ng kanyang best friend? O panahon na ba para isuko ni Joy ang nararamdaman para kay Paulo? At makita na mas marami pang bagay ang puwede niyang pagtuunan ng pansin kaysa ubusin ang oras sa kaibigan?

Isang romance movie mula sa direksiyon ng Gawad Urian at FAMAS nominated director na si Nuel Naval, na kilala sa paggawa ng mga pelikulang tatagos sa puso kagaya ng More Than Blue at ng Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7.

Bibida sa Adik Sa ‘Yo para sa kanilang first team-up movie sina JM at Cindy . Makakasama rin dito sina Meg Imperial, Nicole Omillo, Andrew Muhlach, at Candy Pangilinan.

Mula sa Viva Films, palabas na ngayon ang Adik Sa ‘Yo, in cinemas nationwide.

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

Face to Face Harapan 2

Face to Face: Harapan balik-telebisyon kasama si Ate Koring at mga kabarangay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS pinalapit sa puso ng masa ang pagbabalik ng iconic …

Juan Karlos Live

Juan Karlos ninenerbiyos habang papalapit ang konsiyerto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio   NAGHAHANDA na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo para sa …

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …