Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM de Guzman at Cindy Miranda may magic

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI lang ako kundi marami sa mga nakapanood sa premiere night ng pelikulang Adik Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Cindy Miranda ang nagandahan sa takbo ng istorya na idinirehe ni Nuel Naval at isinulat ni Mel del Rosario.

Ang istorya’y ukol sa dalawang magkaibigan na ang isa ay naadik sa droga at ang isa nama’y naadik sa pagmamahal sa kaibigan. Droga man o love kapag sobra parehong masama.

First time nagsama sina JM at Cindy sa pelikula pero kitang-kita ang chemistry sa kanila. First time ring nagpatawa ni Cindy pero sa totoo lang, magaling at hindi pilit. Puwede siyang maging komedyana.

Actually may magic ang dalawa on screen at nakakikilig sila ha in fairness.

Talagang rebelasyon si Cindy at pasado siya bilang actress dahil sa galing niya sa timing magpatawa, magpakilig, at magpaiyak.

Muli ring pinatunayan ng magaling na director na si Nuel na kaya niyang magpakilig at magpaiyak sa pamamagitan ng isang romantic-comedy movie na talaga namang na-master na niya sa ilang taong pagiging filmmaker.

As usual, effortless ang acting ni JM bilang isang dating drug addict na pinipilit magbago matapos magpa-rehab. Ramdam sa bawat kilos at pananalita niya ang bawat hugot na naranasan niya sa tunay na buhay. Hindi naman itinago ni JM na nanggaling at naranasan na niya ang malulong sa droga at magpa-rehab 

Inamin nga ni JM nang mainterbyu namin ito sa presscon ng Adik Sa ‘Yo na  nagdalawang-isip siya na tanggapin ang pelikula dahil tiyak babalik lahat ang mga pinagdaanan niya noon. Pero dahil nagandahan siya sa materyal, pumayag siyang gawin ang pelikula.

Bukod sa close rin ako kay Tita Mel at ‘yung hesitation part, parang talaga ba? Babalikan ko na naman, internalize ang mga pinagdaanan ko. Pero talagang trust lang,” sabi ni JM.

“Maraming trigger points for me. When I was brought inside the padded room, talagang nangyari sa akin ‘yun.

“For seven days, talagang pinasok ako roon. Nakakulong ako. So, while we were doing this film, ang daming triggers of the past. Kahit comedy siya, it was really personal for me.

Sa chemistry nila ni Cindy, inamin ni JM na hindi sila masyadong nag-uusap sa set, “Pero pagdating sa mga eksena, parang doon kami nag-bonding. Doon kami nag-uusap at nagtatawanan. ‘Yun ang parang naging magic namin together,” sabi ni JM. 

Kasama rin sa pelikula sina Meg Imperial, Candy Pangilinan, Andrew Muhlach, at Nicole Omillo. Palabas na ito sa mga sinehan nationwide sa kasalukuyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …