SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TULOY na tuloy na ang paggawa ng pelikula at serye ni Enrique Gil sa GMA. Ito ang napanood naming pasabog sa online show na Marisol Academy nina Roldan Castro, Rommel Placente, at Mildred Bacud kahapon.
Anang tatlong host, unang sasabak si Enrique sa paggawa pelikula sa GMA Films na ang shooting ay gagawin sa Finland. Sa September ito uumpisahan.
Napag-alaman pang nagkaroon ng cast dinner na ipinatawag ng isa sa executive ng GMA Films, si Annette Gozonna ginawa sa bahay nito. Naroon siyempre si Enrique gayundin sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, at Kylie Padila.
Bukod sa pelikula, isang serye rin ang gagawin ng BF ni Liza Soberano sa Kapuso at Kapamilya.
Samantala, how true na nasa GMA na rin si Malou Santos ng Star Cinema bilang consultant?