Saturday , September 21 2024
JM de Guzman Cindy Miranda Donnalyn Bartolome

JM De Guzman umaming ‘naaadik’ ngayon sa isang vlogger (si Donnalyn Bartolome kaya ito?) 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULA  sa rating na 1-10, inamin ni JM de Guzman na 10 ang rating kung gaano siya kaligaya ngayon. Ang dahilan, may ‘kinaaadikan’ siyang isang personalidad na nagpapasaya sa kanyang buhay ngayon.

Sa pakikipagtsikahan kay JM bago mag-umpisa ang media con kahapon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang Adik Sa ‘Yo kasama si Cindy Miranda inamin ng mahusay na aktor na may nagpapasaya sa kanya ngayon.

Aniya, may nililigawan siya na taga-showbiz at taga-Viva rin na isang taon na niya itong sinusuyo at hindi siya sumusuko.

Ha ha ha ha,” natawang sagot nito nang tanungin namin kung sino ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon. “Iyon ang kinaaadikan ko ngayon,” susog niya. 

Bale nanliligaw pa rin ako sa kanya, siguro mga one year na, matyaga ako eh,” pagtatanggol sa sarili at iginiit na hindi na siya katulad noon kapag nai-inlove dahil ngayon, nagtitira na siya sa sarili.

“May tira na rin sa sarili dati wala eh. At ngayon pinapagana na ang utak at kinakaya naman,” nakangiting pagtatanggol nito sa sarili.

Natanong namin kung anong mayroon ang babaeng nililigawan niya para ‘maadik’ siya rito? At ang naging turon niya, “Tinuruan niya ako kung paano magmahal ng maayos, at sobrang inspiring siyang tao.”

Ang pagkakaalam namin, ang tinutukoy ni JM na vlogger na nagpapasaya sa puso niya ngayon ay walang iba kundi si Donnalyn Bartolome. Ilang beses na rin kasi niyang inamin ang feeling niya rito sa aktres at content creator.

At last year, nang makasalubong namin si JM sa isang event natanong namin ito ukol kay Donnalyn at hindi naman niya idine-deny ang feelings niya sa aktres.

Ukol naman sa pagtanggap niya ng pelikulang Adik Sa ‘Yo bagamat aminado ang aktor na nagdalawang-isip siya ikinatwiran nitong maganda ang iskrip na isinulat ni Mel del Rosario at idinirehe ni  Nuel Naval.

Hindi naman kaila sa madlang pipol na nalulong siya noon sa ipinagbabawal na gamot  kaya posibleng masentro o maurirat ito sa paggawa niya ng pelikulang ito.

Maganda kasi ang script na isinulat ni Tita Mel tapos ang direktor si direk Nuel. I trust them very well and gusto ko ring makatrabaho si Cindy (Miranda),” pangangatwiran ng aktor.

At siyempre nagkaroon din naman ng kaunting hesitation na parang babalikan ko na naman ba ito? Babalikan ko na naman ba itong past na ito? Pero naisip ko na lang na okey lang na balikan ko dahil tapos na naman talaga and after ako roon sa materyal,” anang aktor.

At habang binabasa niya ang script inamin ni JM na hindi naiwasang magbalik ang mga pangyayari sa kanya noong lulong pa siya sa bawal na gamot.

“May mga trigger na dinadala sa panic room, psych war, rehab, lahat iyon napagdaanan ko. So may mga ganoon na habang binabasa ko iyong script naaalala ko iyong mga nagdaan.

“May pain siyempre. Painful iyong experience na iyon pero sobra namang marami akong lessons na natutunan,” pagtatapat ni JM.

At sinabi ni JM na hanggang ngayon ay bumabalik-balik pa rin siya sa rehab from to tab para maayos sakaling may mga trigger moment na nangyayari sa kanya. 

Super relate naman siya sa character na ginagampanan niya sa pelikula, si Paolo, isang drug addict na labas-masok sa rehab gayundin sa karakter ni Cindy na si Joy na adik sa minamahal.

“Naka-relate rin ako sa karakter ni Cindy kasi adik din ako sa love, ha ha ha,” natatawang sabi ni JM.

At dahil minsan din siyang na-’adik’ sa love noon, sinabi niyang pinaglaanan niya ng oras para magamot o mawala sa kanya iyon.

Na-link din siya kay Meg Imperial noon kaya natanong kung nagkaroon ba sila ng ilangan gayung kasama rin ang aktres sa pelikulang Adik Sa ‘Yo. Ani JM, ”Hindi po (ilangan) mabuting magkaibigan po kami ni Meg. Walang ilangan, we support each other.” 

Bukod kina JM at Cindy, Meg kasama rin sa pelikula sina Nicole Omillo, Candy Pangilinan, at Andrew Muhlach. Mapapanood na ito sa mga sinehan sa April 19, 2023.

Isang romance movie ang Adik Sa ‘Yo mula sa direksiyon ng Gawad Urian at FAMAS nominated director na si Nuel Naval, na kilala sa paggawa ng mga pelikulang tatagos sa puso kagaya ng More Than Blue at ng Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Valerie Tan Rovilson Fernandez I Heart PH

I Heart PH magtatampok ng ganda ng ‘Pinas, bahay tips

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASASAKSIHAN na ang awardwinning Lifestyle and Travel  show, I Heart PH sa …

MMFF 50th mural painting

16 artista sa MMFF mural painting kinuwestiyon; Sharon, Juday, Aga inisnab

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TAWAG-PANSIN at tiyak may iintriga sa 16 na mga artists …

Angela Morena Butas

Angela nahuhusgahan sa pagiging Vivamax star

RATED Rni Rommel Gonzales BUTAS ang titulo ng bagong proyekto ni Angela Morena kaya tinanong namin ito kung …

Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Judy Ann sa pagtanggap ng Espantaho — overwhelm ako sa cast at nae-excite

RATED Rni Rommel Gonzales HANDS-ON bilang ina si Judy Ann Santos at nakatutok sa lahat ng ganap …

Pia Cayetano Boy Abunda CIA with BA

Paalala ng ‘CIA with BA’: Barangay officials, maaaring mag-isyu ng VAWC protection order

MULING iginiit ng talk show at public service program na CIA with BA ang mahalagang papel ng …