SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
“HE’S so full of life. So promising, so talented and then wala lang. Hanggang doon lang. Hindi man lang niya naranasan ‘yung sarap ng buhay ng isang tao,” ang malungkot na panimula ni Marco Sison nang kumustahin namin ang ukol sa apong binawian ng buhay dahil sa aksidente, si Andrei Sison.
Si Andrei ang Sparkle artist na namatay sa car accident noong March 24 kasama ang dalawa pa sa kanyang mga kasamahan na namatay din.
Aminado ang seasoned OPM singer na hindi niya agad na-absorb ang nangyari sa apong ilulunsad sana ng GMA 7bilang isa a pinakabagong Sparkle talent nang tawagan siya ng kanyang anak para ipaalam ang hindi magandang balita.
“He’s so full of life, ‘di ba? So promising, so talented and then wala lang. Hanggang doon lang. Hindi man lang niya naranasan ‘yung sarap ng buhay ng isang tao,” ani Marco nang makapanayam namin sa mediacon ng bago niyang concert, ang The Class of OPM kasama sina Dulce, Rey Valera, at ang dalawang miyembro ng APO Hiking Society na sina Boboy Garovillo at Jim Paredes.
Sinabi rin ni Marco na marami siyang tanong sa pagkawala ni Andrei.
“Ayoko namang tanungin ‘yung mga…’yung design…Kaya lang siyempre, ‘yun ‘yung laging sinaabi, everything happens for a reason. Ano ‘yun?
“So sabi ko, That I have to find out. Hihintayin ko ‘yun in the coming days, months, years kung ano ‘yun,” sabi pa ni Marco.
“Kung anong reason, ‘di ba?” sambit pa ng singer.
Naibahagi pa ng singer na noong mahigit isang taon pa lamang si Andrei ay naaksidente na rin ito.
“Nahulog iyan sa third floor ng condo na tinutuluyan nila. Walang nangyari sa kanya and then ito, sakay ka ng kotse, naka-seatbelt ka…lahat ng proteksiyon, airbag, everything, bakit ganoon?…Wala na,” ang emosyonal pang sabi ni Marco.
“Siguro nga natapos na kung ano ang purpose niya sa buhay,” dagdag pa nito.
Bukod sa pagiging talented, napakabait ding bata ni Andrei ayon sa kanyang lolo Marco. Napakamasunurin din nito sa kanyang mga magulang.
Closed sila ng kanyang apo at madalas silang nagbibiruan at nag-aasaran.
“Lagi niyang sinasabi ‘yung mas pogi raw siya sa akin. Sabi ko wala kang karapatang magsalita ng ganyan kasi ako ang original. Lahat kayo galing sa akin,” kuwento pa ni Marco.
Nasabi pa ni Marco na mas matindi ang pag-aalala niya sa kanyang anak na si Alain Marco Salvador, ang tatay ni Andrei, lalo na noong malaman nitong patay na ang anak.
“Kasi it’s not a normal thing, ‘di ba? Siyempre, usually the parent moves on first, not the kid so as a father, I was worried more siyempre kay Alain,” ani Marco. Pero tiniyak na unti-unti nang nakaka-recover ang anak bagamat ramdam pa rin ng kanilang pamilya ang matinding pangungulila sa pagpanaw ni Andrei.
Sa kabilang banda, ang The Class of OPM concert ay magaganap sa May 3, 2023 sa The Theatre, Solaire at ito ay handog ng Echo Jham Entertainment Production. Ididirehe ito ni Calvin Neria.
Kasama rin nina Dulce, Rey, Marco at APO Hiking Societyang mga talented guests na sina Andrea Gutierrez, Elisha, at VR Caballero.
Ang concert ay isang fund-raising event ng Soroptimist International of the Americas Philippines Region for underprivileged girls and women.
Ang tiket ay mabibili sa Solaire Box Office at sa www.ticketworld.com.ph sa halagang P3,000 para sa SVIP, P2,000 para sa Patron, at P1,000 sa Balcony. Tumawag sa 09324049551 para sa ticket reservation.