Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Bimby Shopping

Kris nagkakalaman na, nakakapag-shopping na rin 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWANG tuloy-tuloy na ang paggaling ni Kris Aquino dahil ilang pictures na ang nakita namin bago ang pagpo-post ni Batangas Vice Governor Mark Leviste nitong Mahal Na Araw.

Ilang pictures kasi ang naibahagi na sa amin ng isang malapit kay Kris at nakatutuwang nagkakalaman na si Tetay simula nang matukoy ng mag-amang Indian doctors ang gamot na makagagaling sa sakit sa nanay nina Joshua atBimby.

At nito ngang Easter Sunday, nag-celebrate ang Queen of All Media kasama ang anak na si Bimby at si VG Mark. Nakita sila sa Newport Beach sa California na nagsa-shopping sa ilang store roon.

Sa Instagram Stories naman ni VG Mark, ipinost niya ang mga litrato nila ni Kris habang nagsa-shopping sa Fashion Island kasama si Bimby, at ang kaibigan ng aktres na si Michael Leyva.

Sa isa pang picture, ipinakita rin ng vice-governor ang regalo niyang mamahaling alahas para kay Kris na nasa loob daw ng hawak nitong red paper bag.

Kadikit naman nito ang isa pang picture ng award-winning TV host habang nakahiga at nakatingin sa kanyang cellphone. Makikita sa bandang ulunan niya ang paper bag na naglalaman ng gift sa kanya ni Mark.

May nagbahagi rin ng olang pictures ni Kris tulad ng official fan account niya sa Twitter, ang Kris Aquino World, na nag-e-enjoy ang tv host sa pagsa-shopping.

Bago ito, nagbigay din si Bimby ng update tungkol sa kalagayan ng kanyang mama. Anito, maganda ang resulta ng gamutan ni Kris, lalo na ang ginagawang treatment ng dalawa niyang Indian doctor.

Okay naman. Stable, that’s the word for it. Stable lang but, of course, still beautiful,” masayang sabi ni Bimb. 

Sinabi rin ng bunsong anak ni Kris na nag-gain na rin ng timbang ang kanyang ina na may bigat ng 103 pounds.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …