Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Aljur Abrenica

Aljur inamin ang pagloloko kaya nagkahiwalay sila ni Kylie

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Toni Gonzaga kay Aljur Abrenica sa kanyang YouTube channel na Toni Talks, diretsahan niyang tinanong ang aktor tungkol sa panloloko nito sa dating asawa na si Kylie Padilla.

Tanong ni Toni kay Aljur, “Alam mo ba ang iniisip ng mga tao the reason why your marriage fell apart is because you cheated? Ano ang reaksiyon mo kapag ‘yun ang iniisip ng tao? The reason why your marriage fell apart is because ikaw ang may kasalanan. You cheated.”

Sagot ni Aljur, “Yeah, totoo naman, totoo naman ‘yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yun, may pagkakamali ako.” 

Ayon pa kay Aljur, feeling niya ang biggest mistake na nagawa niya habang nagsasama pa sila ay, “Hindi ako nagkaroon ng time sa kanila. Noong nagkaroon ako ng takot to provide. Nawalan ako ng oras, so nawala ‘yung komunikasyon.”

Ginawa naman daw niya ang lahat para ma-save ang kanilang marriage, “Pero hindi na talaga magwo-work. Mare-realize mo na I have to accept kasi hindi na talaga. Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin, ginawa na rin niya lahat. In fairness to her.” 

Kumusta naman ang estado ng puso niya ngayon?

“Sapat lang. Sapat sa pagmamahal sa sarili ko, sapat sa pagmamahal ko sa Panginoon, sa mga anak ko, sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko. Sapat. Hindi labis, hindi kulang.”

Sundot na tanong ni Toni, “Sapat ba ‘yan for the new love of your life?” na ang tinutukoy ay ang girlfriend ni Aljur ngayon na si AJ Raval.

“Sapat ako, okay ako,” sagot ni Aljur.

Pagpapatuloy pa niya, “Iniisip ng mga tao, manhid ako. Pero hindi. Maramdamin talaga ako. Lahat ng nababasa ko, masakit ‘yan. Kaya hindi ako nagbabasa. Kilala ko ‘yung sarili ko. So, I just put my ano, my effort and time sa mas importante sa tingin ko. 

“I have to accept the fact na talagang hindi na kami magkakasama, ng ex-wife ko. Ang mangyayari kasi, I have to be always the best of myself kasi I have to accept na hindi na kami magkasama.

“Ang iisipin ko ba, maglulugmok ba ako roon na hindi na kami magkasama? Magpapadala ba ako roon o tanggapin ko na lang? O ito ‘yung mga pwede kong gawin, ‘yun na lang ang gagawin ko,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …