I-FLEX
ni Jun Nardo
BINIGYANG-HALAGA ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang fans nilang DonYanatics nang mag-celebrate ng fan club nila ng 15 years bilang samahan, huh.
Bilang ganti sa maraming taon sa pagsuporta kina Dong at Yan, simahan ng mag-asawa ang fans nila sa kanilang selebrasyon.
Of course, ganyan kahalaga kina Dong at Yan ang fans nilang walang sawang sumusuporta sa kanila mula noon hanggang ngayon.
Kaya nga tiyak na masayang-masaya ang fans ng mag-asawa nang lumabas ang balitang gagawa sila ng movie sa Star Cinema na ang target ay ipalabas sa 2023 Metro Manila Film Festival, huh!