Monday , December 23 2024
Ogie Diaz Liza Soberano

Ogie pinabulaanan imbitasyon ni Liza para mag-audition sa Spiderman

MA at PA
ni Rommel Placente

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Ate Mrena na Showbiz Update, mariin niyang pinabulaanan ang naging pahayag ni Jeffrey Oh, CEO ng Careless Music, patungkol sa imbitasyon umano ng Marvel kay Liza Soberano na mag-audition para sa Spider-Man: Homecoming noong 2016.

Ang Careless Music, isang record label at talent management company, ang namamahala ngayon sa career ni Liza.

Ayon kay Jeffrey, inimbitahan ng Marvel si Liza noon para mag-audition para sa role na Mary Jane, ang role na nakuha ng Hollywood actress na si Zendaya. Hindi lang umano makapag-audition si Liza dahil hindi ito pinayagan ng Star Magic at ABS-CBN na humahawak sa kanyang career noon.

Sabi pa ni Jeffrey, kung natuloy lang sana si Liza na gampanan ang karakter na Mary Jane, tiyak malaking tulong ito sa Philippine entertainment industry.

Na parang pinalalabas niya na nanghihinayang siya na hindi natuloy mag-audtion si Liza sa Spiderman.

Pero ayon nga kay Ogie, walang imbitasyon na natanggap si Liza from Marvel para mag-audition sa role na Mary Jane.

Ayon sa comedian, talaent manager, TV host, at social media influencer, hindi niya kayang ipagwalang-bahala ang isyung ito dahil baka isipin ng iba na may katotohanan ang mga sinabi ni Jeffrey.

Si Ogie, katuwang ang Star Magic, ang namamahala noon sa career ni Liza.

Sabi ni Ogie sa kanyang vlog, “Isisingit ko lamang po itong issue na ito ha, baka kasi ‘pag dinedma ko ito, baka ang feeling nila, eh, totoong nangyari ito.

“Ito’y may kinalaman po roon sa sinabi ni Mr. Jeffrey Oh, ang CEO ng Careless Management ni Liza Soberano, tungkol doon sa nanghihinayang sila kung bakit sana ay si Liza Soberano ang gumanap na Mary Jane, na leading lady ni Spider-Man noong mga 2016 o 2017.

“Si Liza Soberano rin po ang nagsabi niyan na walang imbitasyon na galing sa Marvel.

“At iyong tweet na iyon ay galing sa isang fan na nagpakalat na naniniwala na posible na makapasok si Liza bilang isa sa mga extra or mayroong roles doon sa Spider-Man kung siya ay sakaling mag-a-audition.”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang naging pahayag ni Liza noong 2016, nang pabulaanan niya ang haka-hakang naimbitahan siyang mag-audition sa Spider-Man: Homecoming bilang Mary Jane.

Patuloy ni Ogie, “Hindi ko alam kung dito nanggagaling si Mr. Jeffrey Oh, doon sa tweet ng fan na iyon o baka naman mayroon siyang resibo.

“Mr. Jeffrey, you might want to release the receipt or the proof, that Liza received an invitation from Marvel to audition for the role of Mary Jane?

“Dahil ako, bilang former manager ni Liza, ang Star Magic at ng ABS-CBN, as far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel.

“At ‘yan ang sinegundahan ni Liza. Kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling si Mr. Jeffrey.

“Eh, kaya nga hinihingan ko ng resibo kasi baka kapag may resibo, eh, makapag-sorry kami kay Liza.”

Pinabulaanan din ni Ogie ang sinabi ni Jeffrey na hindi pinayagan si Liza na mag-audition dahil sa kontrata niya sa kanyang home network.

Aniya, kung mayroon talagang imbitasyon ay hindi nila ito palalampasin lalo na’t pangarap ni Liza na gumanap sa isang Hollywood movie.

Sino ba naman ang ayaw? Lead ‘yun ano, at Hollywood movie ‘yun ano, na pangarap ni Liza.

“Pero wala nga pong imbitasyon. Alangan namang mag-gatecrash ka sa audition, wala namang ganoon.

“Tapos bakit naman hindi namin ia-allow ‘yung bata, ‘di ba? Although that time, marami talagang ginagawa si Liza.

“Eh, kasi may pangalan na noon si Liza, popular na si Liza noon.

“Alangan naman na nakatanghod lang ‘yon sa bahay at naghihintay lang siya kung mayroon siyang audition mula sa Hollywood, hindi ba?”

Tama naman si Papa O (tawag namin kay Ogie), bakit naman nila hindi papayagan si Liza na mag-audition noon  para sa Spiderman kung talagang may offer?

Bakit nila pipigilan ang Hollywood ni Liza, ‘di ba?

Mas naniniwala kami sa sinabi ni Papa O kaysa kay Jeffrey.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …