Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca umamin nakipag-break kay Ruru dahil sa selos

MA at PA
ni Rommel Placente

LAST year ay may lumabas na  blind item tungkol sa isang showbiz couple na nag-away na nangyari sa isang parking lot. At ‘yung girl, dahil sa galit ay itinulak umano ang kanyang boyfriend, at pinaharurot bigla ang kanyang kotse. At muntik na umano niya itong masagasaan.

Selos umano ang dahilan ng awayan ng dalawa. Nagselos daw kasi itong si girl, nang mapanood niya sa premier nigh ang pelikula ng boyfriend, na may intimatme scenes sa kanyang kapareha.

May mga nagsabi na ang na-blind item ay sina Ruru Madrid at Bianca Umali. At ang pinagselosan ni Bianca ay si Jasmine Curtis.

Ang nag-premier night daw kasi ng pelikula that time, ay ang Cara x Jagger, na pinagbidahan nina Ruru at  Jasmine.

Sa guesting ni Bianca sa Fast Talk With Boy Abunda noong Martes, kinompirma niya  na sila nga ni Ruru ang na-blind item, at may insidente ngang nangyari sa parking lot.

Sabi ni Bianca, “Yes! Tito clear things out, there was incident. Pero ‘yung lahat po ng lumabas na istorya na nababasa ninyo, to the point na muntik ko nang masagasaan, it was exaggerated at some point.”

Nang tanungin ni Kuya Boy si Bianca kung selos nga ba ang dahilan ng pag-aaway  nila ni Ruru, ang sagot ng aktres ay oo. Pero nasa lugar naman daw siya kung magselos.

“Mayroong history na pinanggagalingan. 

“‘Yung pagkaselosa ko po alam ko na nasa lugar. Kapag alam ko na mayroon akong pagseselosan doon ako nagseselos, and I have been right all the time.”

Inamin din ni Bianca na dahil sa parking lot incident ay nag-break sila ni Ruru sa loob ng walong buwan.

“Ru did everything that he could to save the relationship as well and to win me back.

“And I did so much work also to forgive and to say that OK, let’s start again because I love you.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …