Saturday , April 26 2025

VP Sara, Sen. Imee, Yorme sumuporta sa Bakery Fair 2023

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGKA-TRAPIK-TRAPIK ang Sen. Gil J. Puyat Ave. corner Diosdado Macapagal Boulevard, Pasay City, Manila patungong World Trade Center noong March 2 dahil sa napakaraming tao ang nagtungo roon para sa Bakery Fair 2023. Tumagal ang event hanggang March 4, 2023.

Napakatagumpay nga ng isinagawang Bakery Fair 2023 na pinangunahan ni Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) President Gerik Chua at iba pang officers  na dinaluhan din ng maraming baking, pastries, at food enthusiasts.

Ang Bakery Fair 2023 ay sinuportahan nina Vice-President Sara Duterte Carpio, Senator Imee Marcos, Senator Loren Legarda, Senator Mark Villar, Senator Mark Villar, Senator Koko Pimentel, former Manila Mayor Isko Moreno. Binati nila ang FCBAI sa pag-oorganisa ng Bakery Fair 2023 at sinuportahan ang revival ng Philippine bakery industry at ang Philippine economy.

May 136 exhibitors ang nakiisa sa naturang event kaya naman napuno ang 10,000 square meters o ang isang ektaryang laki ng World Trade Center. Nagkaroon din ng educational technical seminars mula sa iba’t ibang top bakery industry-related companies, bakers, chefs, at experts.

Ito ang pagbabalik ng Bakery Fair pagkaraan ang apat na taong hindi naisagawa dahil sa  global pandemic.

Ang Bakery Fair ay biennial civic project ng FCBAI para mai-promote at ma-uplift ang Philippines bakery industry at masuportahan ang socio-economic development.

Isa sa exciting events sa Bakery Fair 2023 ay ang FCBAI Bakers Cup Wedding Cake Competition 2023 na nag-showcase ng exciting at napakagagandang wedding cake na tamang-tama sa temang Kasalang Pinoy.

Ito ang pinakahinintay sa event ng taon na  ang nagwagi ay nakatanggap ng P80,000.

Naging kasiya-siya rin sa event ang Angel Cup 2023. Ang Angel Cup-Bread Display Competition ay nagpakita naman ng paggawa ng Bread Showpiece, Artisan Bread, Healthy Bread, at Sweet Dough with dough filling.

Ang FCBAI ay parte ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), ang umbrella business at civic organization ng 170 Filipino Chinese chambers of commerce and trade organizations mula Aparri hanggang Tawi-Tawi. Ayon sa kasaysayan, ang mga Chinese migrants ang isa sa pinakaunang bakers sa Pilipinas noong Spanish colonial era, at siya ring nagdala ng harina sa bansa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …