“MAGIGING artista rin ang apo ko!” Ito ang tinuran ni Ms Vilma Santos sa kanyang apong si Baby Peanut na anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa paglulunsad sa kanya bilang celebrity ambassador ng Angkas.
Nakamusta kasi sa Star for All Season ang apong si Peanut at natanong kung kailan niya ito gagawan ng vlog bilang isa na rin siyang vlogger.
At nag-promise si Ate Vi na gagawan niya ng vlog ang dalawang buwang apong si Baby Peanut na marami na ang nag-aabang ngayon pa lang. Hahanapan lamang niya ng tamang pagkakataon ang magiging “collab” nila ng kanyang apo at talagang looking forward siya na maipakita ang mga bonding moments nilang maglola.
Feeling nga ngmovie icon, magiging artista rin ang apo, “Maarte siya. Sa posing niya, you can tell, artista ‘to. She’s very pretty. I’m so excited. I’m really looking forward when she grows bigger.
“Ipinakita ko na actually (si Baby Peanut). Matagal kong hinintay ito na magkaapo. Heaven ang feeling! She is just two months, so she is yet to call me Momsie, like what my pamangkins call me.
“I am looking forward when she probably turns seven months or one year old when you see that she’s kerengkeng na. I will enjoy her more,” excted na sabi ni Ate Vi. Angkas.
Samantala, ibinahagi rin ni Ate Vi ang isang eksena nila ng asawang si Sen. Ralph Recto noong kabataan nila. Ito ay may kinalaman sa motorcycle bilang siya na ang bagong ambassador ng Angkas.
“Sinusundo ako ni Ralph sa motorcycle niya. Talagang nakaangkas ako sa likod niya na naka-gown pa. Sinusundo niya ako sa ‘Vilma’ show tapos sabi niya, ‘Ride with me!’
“Eh, nag-aaway pa kami. Pipilitin niya akong umangkas sa kanya tapos binibilisan niya. Eh, may traffic, pagdating sa traffic light, nakatapat ako sa bus. Wala pa naman helmet noon.
“‘Yung lahat ng (pasahero) na nasa bus, nakatingin sa akin, ‘Si Vilma Santos ba ito?’ Naka-gown pa ako, naka-angkas, naka-heels pa, ‘di ba? Pero pagdating namin sa pupuntahan namin, binreyk ko siya, ha ha ha.
“Natakot kasi ako sa ginawa niya. Pero enjoy talaga, so sanay ako sa motorcycle,” pagkukuwento pa ni Ate Vi. (MValdez)