Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomari Yllana Abby Viduya

Jomari namanhikan sa pamilya ni Abby

TUTULDUKAN na nina  Jomari Yllana at Abby Viduya ang pagiging magkasintahan nila dahil namanhikan na ang aktor/public servant sa pamilya ng aktres.

Ibinahagi ni Jomari ang pamamanhikan nila sa kanyang Facebook account kalakip ang ilang litrato na kuha sa naganap na pamamanhikan.

Ani Jom, mas pinili niya ang old-fashioned at traditional na paraan ng paghingi sa kamay ni Abby sa mga magulang nito.

February 26, ipinost ni Jomari ang ginawang pamamanhikan sa bahay nina Abby sa Paranaque. Tanging ang mga hashtag na #callmeoldfashioned at #pamamanhikan ang nakalagay sa mga picture.

Makikita sa mga picture na nagkaroon ng intimate salo-salo ang pamilya kasama ang kanyang kapatid na si Ryan Yllana. May dala rin silang one-foot tall cake na may decoration na rose na may nakasulat na “Bride To Be.”

Unang naging magkasintahan sina Jomari at Abby noong dekada 90 pero naghiwalay din kalaunan. At pagkaraan ng 20 years, nagkabalikan sila noong 2019.

Sa mga interbyu namin kay Jom, sinabi nitong gusto niyang pakasalan si Abby. “I want to marry Abby before I end my term as councilor. I don’t know where destiny will lead me in politics. This is my last term as councilor. 

We are both pacing ourselves when is the best time to tie the knot and where. But we both agreed to settle down. After all, we are not getting any younger,” aniya. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …