Monday , December 23 2024
Hoka Run Club

Rica Peralejo, Tim Yap, Curtismith, at Janina Vela nakiisa sa HOKA Run Club

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI na rin talagang celebrities ang aktibo at lumalahok sa mga usaping pangkalusugan. Tulad ng katatapos na unveiling at grand opening ng Hoka Run Club noong February 15, Miyekoles, na binuksan ang kauna-unahang HOKA Concept Store sa Pilipinas sa may Ayala Malls Manila Bay (2nd Floor, Bldg B).

Nagpakitang gilas si Rica Peralejo sa pamamagitan ng kanyang jump rope skills habang suot-suot ang Hoka shoes samantalang bumati at nakitsika naman si Tim Yap sa mga dumalo sa naturang event. Nagparinig naman ng mga awitin nila sina Curtismith at Janina Vela

Kilala na ang Hoka sa UK at USA kaya naman bilang ang plano nila ay global expansion naglagay na rin sia ng mga tindahan nito sa Singapore, South Korea, Indonesia, at gayon nga sa Pilipinas.

Actually hindi lang siya tindahan, naging hub na rin ito para sa mga hardcore at leisure runners.

Ang Hoka shoes ay kilala sa highly-cushioned, amazingly lightweight, at impressively breathable, kaya naman sikat na sikat ito sa mga mahihilig tumakbo, maging professional man o sa mga recreational runners dahil na rin komportable ito at maganda ang support. Kaya naman tiyak na mae-enjoy mo ang pagtakbo, pagjo-jog,, at kahit ang casual na paglalakad sa paligid-ligid tulad ng mga sikat na personalidad na sina Bella Hadid, Adam Sandler, Britney Spears, Gwyneth Palthrow, Cameron Diaz, at Reese Witherspoon.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, i-check na ang iba’t ibang model at iyong kakasaya sa inyo. I-discover din kung bakit nga ba pinagkakaguluhan ngayon ang HOKA at bakit paborito ito ng mga runner. Sabi nga eh, ang fashion forward designs of HOKA shoes make it a show stopper and fun to incorporate into the fast-paced lives you live today. It has become more than a sport, it has become a lifestyle brand.”

Ano pa ang aasahan sa HOKA Store? Aba eh, tiyak na ikaw eh lilipad ‘ika nga #flyhumanfly – ino-offer ng HOKA store ang unique experience ng kanilang high-performing brand. Kaya mamili sa marami nilang diseny ng  shoe models na ino-offer nila; na categorized sa SKY, GLIDE, at FLY. Na bawat isa ay may unique features at purpose to fulfill.

Pagpasok mo pa lang ng kanilang store sasalubungin na agad kayo ng kanilang HOKA specialists, na handang sumagot sa inyong mga inquiry. Matutulungan din nila kayo para malaman kung ano ba ang babagay sa inyong mga paa, sa kanilang movement at kung anong  HOKA model ang tamang-tama sa iyo. Mayroon din silang feet scanner at gait analysis (treadmill) sa store para maita-try n’yo muna bago ninyo mabili. 

Bukod sa mga sapatos kompleto rin sila ng mga equally stylish HOKA apparel at accessories. May wide range sila ng products na mapagpipilian ninyo na aakma sa inyong lifestyle at running experience.

Kaya ano pa ang inyong hinihintay! Lipad na at kumuha ng HOKA experience sa Ayala Malls Manila Bay (2nd Floor, Bldg B).  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …