Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos Sam Verzosa

SV at Rhian handa na sa 2nd level ng relasyon

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG CEO at co-founder ng Frontrow International at congressman na si Sam Verzosa ay isa na ring TV host. 

Siya ang host ng upcoming public service program ng CNN Philippines na Dear SV. Mapapanood na ito simula sa February 18,  7:30 p.m..

Sa media conference ng Dear SV, tinanong si Sam kung paano siya napapayag na mag-host, gayung sobrang busy siya sa kanyang mga trabaho.

Sabi ni Sam, “‘Yung ginagawa naman ng programa na ‘Dear SV’ eh, hindi naman malayo sa mga ginagawa ko. Ginagawa na namin ito for the past 10 years kasama ko ‘yung Frontrow Cares, mga business partner ko, ‘Tutok To Win,’ kay kuya Wil (Willie Revillame), at mga pansarili namin na mga tulong mula sa family ko, sa papa ko, sa mama ko.

“Kaya itong ginagawa namin sa ‘Dear SV’ is pang-natural lang po. Ang kaibahan lang ay naging programa po siya. Mas malawak po ‘yung naabot. Mas maraming nakakapanood.

“At napapayag po ako rito dahil alam kong  mas maraming mai-inspire, mas maraming nabibigyan na pag-asa sa mga kababayan natin, na sa tingin nila wala nang pag-asawa, wala nang tutulong.

“Marami pa rin po ang tumutulong at handang tumulong,” aniya pa.

Samantala, idinenay ni Sam na hiwalay na sila ni Rhian Ramos. Sila pa rin hanggang ngayon. In fact, noong nakaraang Valentine’s Day ay binati niya ito.

Ikinuwento rin ni Sam na noong na-confine sa ospital ang namayapa niyang ama ay dinalaw ito ni Rhian, at sa burol nito ay nagpunta rin ang dalaga.

Sa tanong kung may plano na sila  ni Rhian na magpakasal, ang sagot niya, “Alam ninyo, in every relationship naman, maiisip mo ‘yan, but sabi ko nga, we’re in the stage na we’re getting to know each other. We’re growing as a person and bago tayo dumating diyan, dapat handa tayo, at ‘pag dumating ‘yan, sana ‘yun nga, maabot natin kung ano ‘yung best o ‘yung best version of ourselves,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …