Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joaquin Domagoso Raffa Castro Boy Abunda

Joaquin umamin natakot, umiyak sa pagbubuntis ni Raffa

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Joaquin Domagoso sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niya na kahit nagkaanak na sila ng kanyang live-in partner na si Raffa Castro, hindi pa rin nila naiisip magpakasal.

Sabi ni Joaquin, “It’s not that we’re deciding or not deciding. That’s the whole beauty about it, eh. The moment that you decide and not decide something, nawawala ‘yung question when I do ask or if I do ask.

“We’re smart. We’re a new generation po, and nakaiisip na po kami. Na parang hindi dahil may anak na kayo, dapat magpakasal na kayo. 

“And you’re not supposed to force it. What I’m saying is like in marriage and what marriage really is, you have to really prepare for it.”

Sa tanong ni Kuya Boy kung anong unang naging reaksiyon ni Joaquin noong malaman nitong buntis si Raffa, ang sagot ni Joaquin, “Una po, hindi ko siya napi-feel. Sa akin lang natutuwa lang ako talaga. In my mind, I was just so happy, I’m gonna be a dad.”

Pero aniya pa, nakaramdam siya ng pressure pagtagal, noong mga 8 or 9 monts  na ang baby na nasa sinapupunan ni Raffa, na malapit na itong manganak.

“‘Yung pressure, papunta na ako, as in nandoon na talaga. Grabe! The responsibility is different, ‘yung talagang iiyak na ako. Natakot po ako.

“Kasi I’m so young. Anong maibibigay ko sa anak ko at this age? And anong mangyayari sa career ko?”

Nang sabihin ni Joaquin sa kanyang amang si  dating mayor Isko Moreno na magiging ama na siya ay hindi ito nagalit sa kanya, bagkus ay sumayaw pa raw ito.

Papa was so sport about it. He was dancing.”

Iminuwestra pa ni Joaquin kay Kuya Boy ang pagsasayaw ni Isko na sinabayan pa nito ng kanta na ang lyrics ay, ‘I’m gonna be a grandfather.’

Anong naging reaksiyon niya habang sumasayaw ang daddy niya?

Nawala ‘yung stress ko,” sagot ni Joaquin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …