Sunday , November 17 2024
Coco Martin Lovi Poe

Coco una ang kalidad ng show bago ang haba o tagal

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG pressure para talunin o malampasan ang pitong taong itinagal ng FPJ’s Ang Probinsyano sa pagsisimula ng bagong tiyak na aabangan gabi-gabi, ang FPJ’s Batang Quiapo na magtatampok din kay Coco Martin kasama si Lovi Poe na mapapanood na simula February 13, 2023.

Sa isinagawang media conference ng FPJ’s Batang Quiapo noong Martes ng gabi sa Studio 10, sinabi ni Coco na hindi niya naiisip na malampasan ang ginawa nila sa FPJAP dahil ang gusto nila ngayon ay makapag-entertain, makapagbigay muli ng magandang serye, at ma-enjoy ang samahan sa bagong proyekto.

“Actually, hindi ako nape-pressure orhindi ko iniisip ‘yung timeline basta para sa akin i-enjoy namin lahat ang moment, ‘yung project. Kasi, naniniwala ako na basta, nagmamahalan kayo, nagrerespetuhan kayo at gustong-gusto niyo ‘yung ginagawa niyo, magbubunga ‘yan eh,” anang aktor/director.

Sinabi pa ni Coco na ang itatagal din ng kanilang serye ay nakadepende sa mga manonood.  “Ang makasasagot niyan siyempre ‘yung mga manonood kaya kami bilang kami ‘yung taga-production, kami ‘yung gumagawa nitong teleseryeng ito, pinagbubuti namin kasi alam namin na hangga’t pinagbubuti namin ‘yung trabaho namin at napapasaya namin ‘yung mga manonood, nandito kami at hangga’t okay ang lahat, okay kami, may trabaho kami.”

Iginiit pa ni Coco na sa bawat show na ginagawa niya tinitiyak niyang makapagbibigay siya ng magandang panoorin, “Sinasabi ko lagi, mahirap akong katrabaho kasi hindi pwede sa ‘kin ‘yung pwede na, sinu-sure ko na dapat ‘yung quality, ‘yun ibibigay natin sa mga manonood, ‘yung tiwala at oras na ilalaan nila sa atin dapat sinusuklian natin ‘yon dahil sila ang dahilan kung bakit mayroon tayong trabaho.

“Gusto ko ibinabalik namin sa mga management o kung sino man ‘yung nangangalaga sa amin na kung ano man ‘yung ibinilin sa amin o ipinagkatiwala sa amin dapat sinusuklian namin ‘yon. Kaya sana, nangangarap ako, nagdarasal ako na sana hindi lang matapatan, ang pangarap ko rito, malampasan ‘yung nagawa namin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Sinabi naman ng direktor nitong si Malu Sevilla na,“I think we’d like to get into that mindset so things would come out beautiful and we can work towards creating a better show for the audience and para na rin sa aming personal fulfillment.”

Muling sasabak si Coco sa mga makapigil-hiningang bakbakan bilang ang matapang at astig na tagapagtanggol ng bayan na si Tanggol/Baldo sa Batang Quiapo

Isang star-studded cast ang makakasama ni Coco sa serye, kabilang na ang anak ni FPJ na si Supreme Actress Lovi Poe. Ito rin ang kauna-unahang FPJ title na gaganap si Lovi.

Ibinahagi ni Coco kung gaano kaimportante para sa kanya na gumawa ulit ng panibagong kuwento ni FPJ na hindi lamang siksik sa action scenes, kundi puno rin ng mahalagang aral na kapupulutan ng mga manonood. 

“Napakalaking bagay nito na naipalalabas namin ang kanyang mga pelikula na nagawa. Nakapagbibigay kami ng napakagandang kuwento at inspirasyon sa lahat ng mga Filipino,” sambit pa ni Coco. 

Ang Batang Quiapo ang magsisilbing unang sabak ni Coco bilang aktor, co-director, at co-producer sa ilalim ng CCM Film Productions na ipakikita ng serye ang kagandahan ng lugar at iba’t ibang mga kuwentong Filipino mula sa Quiapo.

“Napaka-rich ng kultura niya, lahat ng mga buhay o kuwento ng bawat taong nasa Quiapo. Napakalawak ng kiwento at isa pa ito sa mga pelikulang talagang tumatak sa mga ginawa ni FPJ at ni Ms. Maricel Soriano,”dagdag pa ni Coco. 

Mapapanood sa action-comedy series si Coco bilang si Tanggol/Baldo, isang pasaway ngunit mapagmahal na anak sa kanyang nanay (Cherry Pie Picache), tatay (John Estrada), lola (Charo Santos), at nakababatang kapatid (McCoy de Leon). Gagampanan naman ni Lovi si Mokang, ang magandang kaibigan ni Tanggol na magpapakilig bilang kanyang “partner in crime.”

Pagbibidahan din ito nina Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Jojit Lorenzo, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, Lou Veloso, Susan Africa, Pen Medina, Lito Lapid, Irma Adlawan, at Christopher de Leon, kasama ang co-director ni Coco na si Malu Sevilla. 

Huwag palampasin ang maaksyong pagbabalik ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …