Sunday , November 17 2024
Gina Alajar Nora Aunor

Ate Guy ibinuking minsan silang nagkasamaan ng loob ni direk Gina

MA at PA
ni Rommel Placente

SA storycon ng isang pelikula na magkasama sina Nora Aunor at actress-director Gina Alajar, sinabi ng huli na natutuwa siya na makakatrabaho na naman niya ang una.

Natutuwa ako dahil kasama ko na naman ang kumare ko,” ang sabi ni direk Gina.

Ayon sa aktres/direktor, nagkasama sila ni Nora sa limang pelikula, ang My Little Brown Girl (1972), Condemned(1984), Bulaklak ng City Jail (1984), Tatlong Ina, Isang Anak (1987), at Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? (1990).

Doon sa ‘Tatlong Ina, Isang Anak,’ beybing-baby pa si Lotlot (de Leon). ‘My Little Brown Girl,’ mare, Nora-Tirso (Cruz III) pa noon. Sampaguita Pictures. Fourteen years old ako noon, mare,” ang pagpapaalala ni Gina kay Nora.

Itinama naman ni Ate Guy ang sinabi ng actress-director, 12 years old pa lang daw noon si Gina at hindi 14. Sagot ni direk Gina, “Ah, 12… 12… tama. Parang ganoon. Oo, yeah, nag-aaral ka pa noon eh. From school, nagpupunta ka sa shooting. Nag-aaway pa kayo ni Tirso.”

Si direk Gina ang direktor ng huling serye na ginawa ni Ate Guy sa GMA 7, ang Onanay.

Pagbabalik-tanaw naman ni Ate Guy, “Noong ‘Onanay’ po namin, may eksena ako na iiyak dahil namatay si Gardo, ‘yung kapatid ko. Ay! Hindi ako makaiyak pagdating sa mga ganyan.

“Nilapitan ko si Direk. Sabi ko, ‘Direk, ninenerbiyos ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin kong iyak.’

“Kasi alam kong hindi ako makakaiyak, baka mamaya, sa sarili ko, kaplastikan ang ipakikita ko? Eh, hindi pwedeng ganoon. Kailangan totoo at nararamdaman ko kung ano ang gagawin ko lalo na ‘pag iyakan at drama talaga.

“Tapos, sabi sa akin…ewan ko, ano ba ang ginawa mo sa akin at napaiyak ako talaga?” sey ni Ate Guy kay Direk Gina.

Sey naman ni Direk Gina, “Inakbayan yata kita.”

Reaksiyon ni Ate Guy, “Inakbayan ako. May sinabi sa akin si Mare tapos pinisil ang kamay ko. Ayun, naiyak na ako, ‘Sige na, sige na,’ sabi niyang ganoon. ‘Take na tayo, take na tayo!’ sabi niya.

Sa awa ng Diyos, nakuha ko naman po iyong pinapagawa sa akin ni Direk. At nagpapasalamat ho ako dahil nagustuhan ng mga nakapanood yung eksena namin na yun, yung emosyon.

“Kaya thank you, Direk, thank you very much. Dito, hihintayin ko uli yung pagtuturo mo sa akin, ha?” aniya pa.

Inamin din ni Ate Guy na sumama dati ang loob ni Direk Gina sa kanya, “May kasalanan akong nagawa sa kanya, na totoo naman, aminado ako na kasalanan ko naman.

“Pero kinausap niya ako at marunong siyang magpatawad sa kapwa. Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya na… ‘yun ang kumare ko, na marunong umintindi, maunawain at mapagmahal na direktor at artista at kumare,” pahayag pa ni Ate Guy.

About Rommel Placente

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …