Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang sa pagmo-move-on: Mamatay sila sa inggit

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang Instagram account, may nagtanong na netizen kay Pokwang kung paano maka-move on dahil nasasaktan na raw ito?

Tanong ng netizen, “Mamang paano po ba maka move on nang mabilis. Ang sakit² na po mang [crying emoji] parang ayoko nang lumaban [crying emoji]”

Sinagot  ito ni Pokwang. Ayon sa komedyana, kung alam ng netizen ang kanyang mga karapatan, kaya niya itong ilaban.

Marami raw siyang blessings kaya mamamatay ang mga ito sa inggit.

Sabi niya, “kapag alam mo ang karapatan mo at karapatan ng anak mo kung may anak ka ilaban at lalakas ang loob mo harapin sila hahahhahaha sorry pero manhid na ako sa mga bashers nayan ang dami kong work sobra kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!!!”

Sa kanya namang Instagram Story, ipinagtaka ni Pokwang kung bakit marami ang nagagalit sa kanya nang isinapubliko sa pamamagitan ng kanyang social media ang naging problema nila ng dating live-in partner na si Lee O’Brian, na nagkaroon siya ng isang anak mula rito, si Malia.

Pinagbiyan niya lang umano ang  “Marites” pero hinuhusgahan pa rin siya.

Buong komento ni Pokwang, published as it is, “Mga hypocrite! bakit daw kailangan pa i socmed ang problema? diba yan ang gusto nyo mga MARITES??? na entertain naba kayo? Husga pa more malapit na kayong mapaso SOON!!!”

O ‘di ba, halatang napikon na si Pokwang?

Samantala, may pasabog si Pokwang tungkol kay Lee. Ibinisto niya na hindi nito sinusuportahan ang kanilang anak.

May mga girl kasi na nagkokomento sa mga post ni Lee at ipinagtatanggol ito sa nangyaring hiwalayan nila ni Pokwang.

Ayon naman kay Pokwang, gusto lang umano ng mga ito na magpapapansin sa dati niyang dyowa.

Pasabog na pahayag ni Pokwang sa pamamagitan  pa rin ng kanyang IG account, “True akala siguro nila papatulan sila ng kano nayan kahit magpapansin ka araw araw sa post nya stalker ka, manggagamit yang taong yan hahhahahaha.

“Wa ka pera tae ka! anak nga nya walang suporta 5years!!!! inyo nayan sak sak mo sa ngala ngala mo!”pambubuking pa ni Pokwang kay Lee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …