RATED R
ni Rommel Gonzales
SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. Ito ay sa pelikulang Ikaw At Ako na tungkol sa tatlong henerasyon ng pag-ibig.
“And ayun makikita natin dito ‘yung mga different stages of love, different kinds din of love, siyempre lahat tayo parang iba-iba ang priorities, iba-iba ang concerns, pero lahat tayo nakare-relate riyan, I’m sure lahat tayo na-in love na, at kung hindi, para rin ‘to sa mga gustong ma-in love, kasi marami ring matututunan about relationships, communication,” pahayag sa amin ni Rhian.
Unang pelikula ito ni Rhian simula magkaroon ng pandemya ng COVID-19. Ano ang nakakumbinsi sa kanya na tanggapin ang pelikula?
“‘Yung synopsis, doon sa synopsis, so parang shortened version niyong script ‘yung una kong nabasa and nagustuhan and also matagal ko na rin gustong makatrabaho si Paolo, kasi eversince nagagalingan talaga ako sa kanya.”
Apat na taong hindi gumawa ng pelikula si Rhian. Bakit ang tagal ng pagitan ng paggawa niya ng pelikula?
“Actually, may nasimulan na ako, pero noong nag-pandemic parang hindi namin matuloy kasi parang iba-iba na ‘yung mga itsura namin after, so parang na-hold muna. So ‘yun, habang nagde-decide pa kung anong mangyayari roon sa mga na-shoot namin, kung itutuloy ba namin ng ganoon or re-shoot lahat, or i-shelf muna ‘yung project, iyon ‘yung hindi ko pa alam.
“So, ayun, may nasimulan na ako na parang action movie, but ito ‘yung… ito sigurado akong matutuloy ‘to, so rito muna tayo,” ang natatawang pagtukoy ni Rhian sa Ikaw At Ako.
Kasama nina Rhian at Paolo sa pelikula sina Ms. Boots Anson-Roa at Ronaldo Valdez at sina Andrew Gan at Phoebe Walker. Sa direksiyon ni Rechie del Carmen. Ito ay initial movie venture ng Gutierez Celebrities and Media Production with executive producers MJ Gutierez and Lexie Salmasan.