MATABIL
ni John Fontanilla
WAGING-WAGI sa katatapos na Philippine Movie Press Club 35th Star Awards for Television na ginanap sa Winford Hotel Manila Resort and Casino last January 28 ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros.
Double win si Paolo sa gabi ng Star Awards for TV na itinanghal itong Best Male Host of the year at isang special award, ang Star of the Night.
Kuwento ni Paolo na 21 years ang kanyang inantay bago ulit manalo sa Star Awards. Huling nanalo sa Star Awards si Paolo noong 2002 bilang New Male TV Personality of the Year at ngayon lang muli nasundan.
Ibinahagi ni Paolo ang kanyang tropeo sa kanyang Eat Bulaga family, kay Malou Choa Fagar, sa kanyang pamilya, manager na si Jojie Dingcong at sa kanyang mga nakalaban sa nasabing kategorya.
Nagpasalamat din ito sa miyembro at pamunuan ng PMPC na siyang nasa likod ng prestiyosong award giving body na Star Awards for Television.
Nakalaban at tinalo ni Paolo for Best Male TV Host of the Year sina Billy Crawford (LOL/TV5), Gary Valenciano (ASAP Natin ‘To/A2Z, TV5), Jose Manalo (Eat Bulaga/GMA 7), Luis Manzano (ASAP Natin’To/A2Z, TV5), Martin Nievera (ASAP Natin ‘To/A2Z, TV5), Piolo Pascual (Sunday Noontime Live /TV 5), Robi Domingo (ASAP Natin ‘To/A2Z, TV5), at Vice Ganda (It’s Showtime/A2Z, TV5).