Sunday , December 22 2024

Human rights group pumalag
COMMUNITY DOCTOR ‘BINANSAGANG’ TERORISTA NG ATC

013123 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

KINONDENA ng isang human rights group ang arbitraryo, walang basehan, at malisyosong pagbabansag ng Anti-Terrorism Council (ATC) kay Dr. Natividad “Doc Naty” Castro, isang community health worker at dating human rights worker bilang isang ‘teroristang indibidwal.’

Binansagan ng ATC si Castro na isang terorista sa ilalim ng bagong resolusyon na inihayag kahapon.

Ayon sa human rights group Karapatan, ang pagbabansag na ito ay ang pinakabago sa paggamit ng ATC ng malawak na arbitraryong kapangyarihan na malinaw na paglabag sa karapatan ni Doc Naty sa angkop na proseso.

“There is no credible nor sufficient bases for this designation. It is meant to not only threaten and harass her – it is meant to place her life in danger,” giit ng grupo.

Anang grupo, si Doc Naty ay isang iginagalang na doktor, isang minamahal na manggagawa sa kalusugan ng komunidad at isang matapang na tagapagtanggol ng karapatang pantao at hindi isang terorista.

Hinihiling ng Karapatan ang pagbasura sa Terror Law na nag-institutionalize sa mandato ng konseho na kumilos bilang hukom at hurado sa pagpapatupad ng mahigpit na batas na ito.

Pananagutan anila ng ATC ng administrasyong Marcos Jr., ang patuloy na paggamit nito sa terror law para sugpuin ang hindi pagsang-ayon at labagin ang karapatan ng mga tao.

Si Castro, tumulong sa pagtatayo ng mga community health center sa Mindanao, ay naaresto noong nakaraang taon sa kanilang tahanan sa San Juan City.

Siya ay kabilang sa maraming respondents ng kidnapping at serious illegal detention charges na isinampa sa Agusan del Sur.

               Itinanggi ng kanyang pamilya ang mga paratang laban sa kanya.

Bago pa man siya arestohin, ini-red-tag si Castro para sa kanyang adbokasiya sa karapatang pantao. Bukod sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mahihirap, nagsilbi rin siyang secretary general ng rights group na Karapatan sa rehiyon ng Caraga.

Sa resolusyon nito, inilista ng ATC ang tatlong partikular na dahilan kung bakit na-tag nito ang doktor ng komunidad na isang terorista:

Ang umano’y “aktibo at tuloy-tuloy na papel” sa pagkamit ng misyon at layunin ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF). Ito ay sa pamamagitan ng pagsasanay na sinasabing ibinibigay sa NPA at sa pamamagitan ng “aktuwal na pakikilahok sa mga ‘armadong kalupitan’ ng NPA sa mga lugar na nakabase sa komunidad na naiimpluwensyahan ng NPA.”

Sa pagiging miyembro umano ng central committee ng CPP, executive committee member ng Regional White Area Committee, finance officer ng North-Eastern Mindanao Regional Committee, at executive director at trustee ng Community Based Health Program (CBHP).

At ang sinasabing “pagbuo, pamamahala, at pangangasiwa” ng mga pondo ng CPP.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, chairperson ng ATC, ang resolusyon, kasama si National Intelligence Coordinating Agency Director General Ricardo de Leon.

Ang dating National Security Adviser na si Clarita Carlos, na vice chairperson ng ATC noong panahong iyon, ay walang pirma na nakakabit sa dokumento.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …