Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Duterte drug war
MARCOS VS ICC PROBE ITIGIL — CenterLaw

013023 Hataw Frontpage

HINILING ng isang grupo ng mga abogado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na itigil ang mga pagtatangka laban sa pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC) sa mga pagpatay sa mga operasyon ng ilegal na droga na isinagawa ng administrasyong Duterte.

Sa isang kalatas, sinagot ng Center for International Law (CenterLaw) ang pahayag ni Solicitor General Menardo I. Guevarra na iaapela ng gobyerno ng Filipinas ang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber (PTC) 1 na nag-awtorisa sa ICC’s Office of the Prosecutor (OTP) upang ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, hindi niya tatanggapin ang ICC sa Filipinas para magsagawa ng imbestigasyon.

“Definitely I do not welcome this move of theirs and I will not welcome them to the Philippines unless they make clear that they will respect us in this regard,” ani Remulla.

Sinabi ng CenterLaw na bilang isang miyembro ng internasyonal na komunidad, at alinsunod sa Artikulo 127 ng Rome Statute, ito ay sa interes hindi lamang ng mga biktima kundi ng ating bansa para sa gobyerno ng Filipinas na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.

Ipinunto ng grupo na ang mga legal na kinatawan ng 293 indibidwal at 366 pamilya ng mga biktima ng digmaan laban sa droga ay nagpahayag ng kanilang sama-samang panawagan para sa hustisya sa harap ng ICC).

“These pleas have not fallen on deaf ears,” diin ng CenterLaw.

Ang Filipinas ay naging state party mula noong 1 Nobyembre 2011 ng Rome Statute na lumikha ng ICC.

Nagdeklara ng pag-alis ng bansa mula sa Rome Statute si Pangulong Rodrigo R. Duterte noong 17 Marso 2018 at nagkabisa noong 17 Marso 2019.

               Nanindigan ang ICC na ang Korte ay nagpapanatili ng hurisdiksyon na may kinalaman sa mga sinasabing krimen na nangyari sa teritoryo ng Filipinas habang ito ay state party.

Sa anunsiyo nito noong Huwebes, 26 Enero, sinabi ng ICC na ang Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC-PTC) ay pinagbigyan ang kahilingan ng Prosecutor na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa sitwasyon ng Filipinas.

Nakatakdang imbestigahan ang mga pagpatay sa isinagawang operasyon ng ilegal na droga mula 1 Nobyemmbre 2011 hanggang 16 Marso 2019.

Ang pagsisiyasat ay ipinagpaliban noong Nobyembre 2021 sa kahilingan ng gobyerno ng Filipinas.

Ang OTP noong 24 Hunyo ay humiling sa Kamara na ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Hiniling ni ICC Prosecutor Karim Khan na ipagpatuloy ang imbestigasyon dahil ang Filipinas sa ilalim ni Pangulong Marcos, Jr., ay hindi nagbigay ng ebidensiya na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …