HINILING ng isang grupo ng mga abogado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itigil ang mga pagtatangka laban sa pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC) sa mga pagpatay sa mga operasyon ng ilegal na droga na isinagawa ng administrasyong Duterte.
Sa isang kalatas, sinagot ng Center for International Law (CenterLaw) ang pahayag ni Solicitor General Menardo I. Guevarra na iaapela ng gobyerno ng Filipinas ang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber (PTC) 1 na nag-awtorisa sa ICC’s Office of the Prosecutor (OTP) upang ipagpatuloy ang imbestigasyon.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, hindi niya tatanggapin ang ICC sa Filipinas para magsagawa ng imbestigasyon.
“Definitely I do not welcome this move of theirs and I will not welcome them to the Philippines unless they make clear that they will respect us in this regard,”ani Remulla.
Sinabi ng CenterLaw na bilang isang miyembro ng internasyonal na komunidad, at alinsunod sa Artikulo 127 ng Rome Statute, ito ay sa interes hindi lamang ng mga biktima kundi ng ating bansa para sa gobyerno ng Filipinas na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.
Ipinunto ng grupo na ang mga legal na kinatawan ng 293 indibidwal at 366 na pamilya ng mga biktima ng digmaan laban sa droga ay nagpahayag ng kanilang sama-samang panawagan para sa hustisya sa harap ng ICC).”
“These pleas have not fallen on deaf ears,” it stressed,” anang CenterLaw.
Ang Filipinas ay naging state party mula noong Nob. 1, 2011 ng Rome Statute na lumikha ng ICC.
Nagdeklara ng pag-alis ng bansa mula sa Rome Statute si Pangulong Rodrigo R. Duterte noong 17 Marso 2018 at nagkabisa noong 17 Marso 2019.
Nanindigan ang ICC na ang Korte ay nagpapanatili ng hurisdiksyon na may kinalaman sa mga sinasabing krimen na nangyari sa teritoryo ng Filipinas habang ito ay state party.
Sa anunsyo nito noong Huwebes, Enero 26, sinabi ng ICC na ang Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC-PTC) ay pinagbigyan ang kahilingan ng Prosecutor na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa Sitwasyon ng Republika ng Filipinas.
Nakatakdang imbestigahan ang mga pagpatay sa isinagawang operasyon ng ilegal na droga mula Nob. 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019.
Ang pagsisiyasat ay ipinagpaliban noong Nobyembre 2021 sa kahilingan ng gobyerno ng Filipinas.
Ang OTP noong 24 Hunyo 24 ay humiling sa Kamara na ipagpatuloy ang imbestigasyon.
Hiniling ni ICC Prosecutor Karim Khan na ipagpatuloy ang imbestigasyon dahil ang Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Marcos Jr. ay hindi nagbigay ng ebidensya na nagsasagawa ito ng masusing imbestigasyon. (ROSE NOVENARIO)