Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryl Cruz, Leandro Baldemor, Rosemarie Sarita, Zyren dela Cruz MPK

MPK sa Sabado nakakikilabot

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKAKIKILABOT ang upcoming brand new episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.


Pinamagatang Kinulam na Ina, kuwento ito ni Alma na nakararanas ng ‘di maipaliwanag na mga sakit.

Masayang nagsasama si Alma at ang live-in partner niyang si Simon at anak nilang si Nathan.

Sasali sa isang konserbatibong Christian group ni Alma at mapagdedesisyonan niyang hindi sila maaaring magsiping ni Simon hanggang hindi pa sila ikinakasal.

Magkakaroon naman ng ibang babae si Simon at makadadagdag pa sa galit ni Alma ang pagkunsinti ng nanay nitong si Mamang.

Kukompruntahin niya ang mag-ina at matapos nito, iba’t ibang sakit na ang dadapo kay Alma.

Resulta nga ba ito ng kulam? Sino ang nagpakulam kay Alma at paano niya ito malalagpasan?

Abangan sa brand new episode na pinamagatang Kinulam Na Ina”, sa Sabado, January 28, 8:00 p.m. sa #MPK tampok sina Sheryl Cruz, Leandro Baldemor,  Rosemarie Sarita, at Zyren dela Cruz. 

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …