Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Boy Abunda

Marian pasabog ang mga sagot kay Kuya Boy; feeling sexy ‘pag hinahalikan ni Dong sa paa

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKAAALIW at pasabog ang mga sagot ni Marian Rivera kay Boy Abunda sa first episode ng Fast Talk with Boy Abunda. 

Halimbawa, ano ang gagawin ni Marian kapag may umaaligid kay Dingdong Dantes?

Deadma… sa ngayon,” sagot ni Marian.

Sa tanong kung ano ang sexiest part ng katawan ni Dingdong, “Chest” ang mabilis na sagot ng Kapuso Primetime Queen.

Itinulad naman ni Marian ang Primetime King na si Dingdong sa isang leon kung nagiging isang uri ng hayop ang mister sa gabi.

Pakiramdam din ni Marian na sexy siya sa tuwing hinahalikan ni Dingdong ang kanyang paa.

Sa tanong kung selosa ba siya, sinabi ni Marian na “depende.” 

Inihayag din ng aktres na walang laban na hindi niya kaya.

Muling inihayag ni Marian na bukas siya sa pagkakaroon ng ikatlo nilang anak ni Dingdong, at sumagot ng “both” kung boy o girl ang kanyang pipiliin.

Every morning, sinasabi ko talaga, ang dream ko talaga is to have a complete family which is I don’t have talaga before,” anang Kapuso Primetime Queen.

Every morning, gumigising ako na nandiyan ‘yung dalawang anak ko and si Dong na sabi ko ‘Lord, salamat sa pagpapala at biyayang ito.’

Ikinuwento rin ni Marian ang pagdadala niya noon ng mga prepaid card at siya mismo ang nagkakaskas para ma-load-an ang kanyang cellphone  nang nagsisimula pa lang silang magtambal ni Dingdong sa Dyesebel.

Sinabihan din siya ng aktor ng suplada dahil hindi siya sumasagot sa text noong ginagawa nila ang Dyesebel.

“‘Ang suplada mo naman, tine-text kita bakit hindi ka nagre-reply? Siguro naka-prepaid ka lang,” kuwento ni Marian sa emote sa kanya ni Dingdong.

Inamin naman ni Marian na totoo na naka-prepaid  card siya noon at marami siyang binili noong nasa isang isla sila ng Palawan.

So bumili ako ng maraming cards. ‘Pag wala na akong load pupunta ako sa dulo nagkakaskas ako para mag-load ako,” natatawang kuwento ni Marian.

So affected ako sa sinabi niya na siguro naka-prepaid ka lang kasi totoong naka-prepaid ako.

“Kaya sabi ko, kapag sumuweldo ako, after nito, magla-line na ako, kaya naka-line na ako noon after,” patuloy niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …