Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi lang sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na tinutulungan nila pero maging sa mga empleado ng kanyang departamento.

Aminado si Arnell na 24 hrs halos o sobra-sobra sa walong oras ang inilalaan nilang oras para makapagtrabaho sa OWWA kaya naman apektado na ang kanilang kalusugan. Nariyan ang sobrang pagpupuyat, ‘di pagkain ng tama at healthy food, at sobra-sobrang stress.

It’s a continuous effort,” ani Arnell. “Hindi natatapos ang trabaho namin sa paglubog ng araw. Here, we work 24/7.”

Actually mas busy pa nga raw siya ani Arnell kompara noong artista siya.

Sa showbiz ganoon din ginagawa namin eh, tuloy-tuloy ang trabaho. Pero iba ang stress dito sa OWWA and for good reason. Kasi buhay ng ating mga bayaning OFW ang pinag-uusapan. Hindi ka puwedeng basta-basta na lang.”

Kaya naman inilunsad nila, kasama si OWWA Deputy Administrator Honey Quiño, health campaign sa OWWA.

It’s not an easy task,” sambit pa ni Arnell. “It’s taxing on the mind, body.”

Dahil sa dami ng trabaho, wala na akong exercise. Hangga’t maaari kapag may free time, tini-take advantage ko ito to get some much needed sleep.”

Kahit ang anak ni Arnell ay hindi na rin niya nakikita sa rami ng trabaho sa OWWA.

“Kasi tila hindi lang ako ang nakalimot na sa benepisyo ng ehersisyo rito. Dahil sa aming trabaho, marami sa amin ang out of shape, lethargic, walang energy and I think we have to take care of ourselves as well. So, I thought, maybe it’s time we implement something that would somehow mitigate that.”

Matapos ang media conference ipinakita nina Arnell at Honey kasama ang mga empleado ng OWWA ang Zumba dance session.

Bukod sa maganda ang benepisyo nito sa katawan eh, may benepisyo rin ito sa maayos na pag-iisip dahil masaya,” giit pa ni Arnell.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …