SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
SOBRA-SOBRA and saya at kilig ng content creator na si Zeinab Harake nang makadaupang palad niya ang idolong si Marian Rivera.
Matagal nang pangarap ni Zeinab na makaharap ng personal, makilala ang misis ni Dingdong Dantes. At iyon ay natupad nang magkita sa grand opening ng Beautederm Corporate Center sa Angeles City, Pampanga na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche Tan.
Sina Marian at Dingdong ang kasama ni Ms. Rei sa ribbon cutting ceremony para sa pormal na pagbubukas ng Beautederm na maatatagpuan din ang kanyang Beautederm Beanery at A-List Avenue.
Sina Dingdong at Marian ay kapwa ambassador ng Beautederm gayundin si Zeinab na nakasama rin sa pasinaya ng naturang building.
Hindi pa natapos ang kilig at saya ni Zeinab sa pghaharap nilang iyon ng kanyang idolo na talaga namang nagpa-picture siya dahil nag-post siya sa kanyang Instagram. Dito’y
ipinost niya ang litrato nila ni Marian na magkayakap at ang photo niya kasama ang Kapuso Primetime King & Queen.
May caption iyong, “My forever lodi, my Marimar I love you so so much @marianrivera. Finally my dongyan heart,”
Matagal nang sinasabi ni Zeinab na isa sa mga celebrity na pangarap niyang makita ay si Marian dahil super idol niya ito.