MATABIL
ni John Fontanilla
MISTULANG wedding of the year ang second wedding ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro at ng kanyang Irish husband na si David Rainey sa dami ng celebrity na dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib.
Ikinasal sina Glaiza at David sa Sundowners Beach Villas sa Botolan, Zambales last January 23 na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Unang nagpakasal ang mag-asawa sa isang intimate ceremony sa Northern Ireland noong October, 2021.
Si Angelica Panganiban ang naging Maid of Honor, samantalang sina Alessandra de Rossi, Isabel Oli-Prats, Chynna Ortaleza, Rochelle Pangilinan, at Sheena Halili naman ang mga nagsilbing bridesmaids.
Ilan pa sa mga artistang dumalo sina Kean Cipriano, Maxene Magalona, Ruru Madrid kasama ang dyowang si Bianca Umali, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Mikael Daez, Angel Guardian, Buboy Villar,Gabby Eigenmann with wife Apples Arizabal-Eigemann, Ketchup Eusebio atbp..