Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai delas Alas

AiAi naluha sa storycon ng Litrato, nabigong makabuo ng baby via IVF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigilan ni Ai Ai delas Alas na maiyak nang mausisa ang ukol sa paggawa nila ng baby ng asawang si Gerald Sibayan.

Sa story conference ng Litrato na prodyus ng 3:16 Media Network at ididirehe ni Louie Ignacio, hindi napigilan ng komedyante ang maluha.

Ang dahilan ng pag-iyak ni AiAi aniya ay ang hindi pagkabuo ng dalawang eggs na kinolekta para isailalim sa in vitro fertilization.

Sa IVF, ang mga matured eggs ay kinokolekta (retrieved) mula sa obaryo para ma-fertilize ng sperm sa laboratory.

Ani Ai Ai dalawang beses na nilang sinubukang makabuo sa pamamagitan nga ng in vitro fertilization, pero nabigo sila.

“‘Yun kasing mga ano namin, ‘yung babies namin, yung dalawa… ayan, tingnan mo, naluluha na naman ako.

“Yung dalawa, hindi natuloy. Isa na lang ang natira,” pigil na pigil na maluhang paglalahad ng aktres subalit hindi na napigilan pa ni Ai Ai.

Samantala, umuwi lang si Ai Ai para gawin ang pelikulang Litrato na sinabi ni direk Louie na hindi niya gagawin kung hindi si Ai Ai ang magbibida.

Sa totoo lang masuwerte ang tambalan nina Ai Ai at direk Louie dahil kung ilang beses kinilala ang galing ng aktres sa iba’t ibang award giving bodies, local at international sa mga pelikulang ginawa niya, ang Area at School Service

Gagampanan ni Ai-Ai ang isang lolang may Alzheimer’s at gaganap na anak niya si Ara Mina at apo si Quinn Carillo.

Kasama rin sa pelikula ang mga bagong talents ng 3:16 Media na sina Rowan Diaz at Duanne David gayundin ang magaling na aktor na si Bodjie Pascua.

Ang Litrato ay isinulat ni  Ralston Jover, na kaklase pala ni Ai-Ai noong Grade 6.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …