Friday , November 15 2024
dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa kaniya sa Quezon City, Martes ng madaling araw.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station 14, bandang 2:48 ng madaling araw (January 24), nang maganap ang engkwentro sa No. 56 Diego Silang St., Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon nina PSSg Renato Centeno, PSSg Juderick Latao at Pat Francis Rodenas, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PS 14, upang arestuhin ang suspek na si Dennis Dela Peña alias “Tupak”.

Pero nang matunugan umano ni Tupak ang mga paparating na mga awtoridad ay bigla na lamang itong nagpaputok ng baril dahilan upang gumanti na rin ng pamamaril ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

 Si Tupak ay sinasabing nasa listahan ng Top 7 Most Wanted Person ng PS 14 sa kasong Robbery.

Nasamsam sa suspek ang isang ‘di pa batid na kalibre ng baril na ginamit umano nito sa pamammaril sa mga pulis. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …