I-FLEX
ni Jun Nardo
SUMAKIT ang tiyan sa katatawa ni Sharon Cuneta nang may nag-forward sa kanya ng memes ng picture ng makinis niyang paa na inilabas naman ng megastar sa kanyang Instagram.
May caption nga sa picture na, “‘Yung post tayo ng post ng mukha natin sa IG, tapos si Sharon Cuneta, dinaan lang tayo sa paa.”
Eh may nagpadala ng post kay Shawie na tuhod naman niya ang ipakita. Masunurin naman ang megastar kaya sa isa IG post, may litrato naman siya ng kanyang tuhod, huh!
Pero bawi niya, “Huwag na muna legs balik pako sa doctor.”
Of course, nakita na namin ang kamay at paa ni Sharon at sinasabing hugis (o kutis?) kandila ang kanyang mga kamay at makinis din ang paa at tuhod.
Aber, ipakita nga ninyo sa inyong IG ang paa, kamay, at tuhod niyo bukod sa mukha?