Monday , May 12 2025
Koko Pimentel Bongbong Marcos

Pimentel kay FM Jr.:
MAGTALAGA NG REGULAR AGRICULTURE SECRETARY

NANINIWALA si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na pinahihirapan lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang kanyang sarili sa pagtayo bilang agriculture secretary kaya dapat magtalaga na siya ng regular na kalihim ng kagawaran.

Sinabi ni Pimentel, malaki ang magiging tulong nito sa pangulo at puwede naman niyang gawing prayoridad ang agrikultura ng bansa kahit hindi na siya ang kalihim.

“Pinahihirapan lang niya ang kanyang sarili. Sayang e, the mere fact na may inaayos na silang value chain, ibig sabihin meron na siyang pointman d’yan sa agri dep’t, e tawag lang nila sa tao ay senior undersecretary,” sabi ng senador sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.

Hindi naman aniya bawal na gawing prayoridad ni FM Jr., ang agrikultura dahil lahat naman ng kalihim sa mga kagawaran ay nagsisilbing alter ego ng pangulo.

Nauna rito, nanindigan si FM Jr., na mas mabilis matutugunan ang iba’t ibang suliranin sa agrikultura kapag ang punong ehekutibo ang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

“Kapag hindi nila ginawa ‘yung utos ko, puwede nilang sitahin. ‘Yung secretary, it can still be may pakiusap pa,” aniya sa panayam kamakalawa.

“That’s what I bring to the position. When I make a decision, when I make a plan, kailangan masunod ‘yun. If not, I can chastise them, move them aside, push them into other positions,” dagdag niya.

Mula magsimula ang termino ni FM Jr., bilang Pangulo at DA secretary noong Hunyo 2022, tumaas nang husto ang presyo ng mga pangunahing bilhin, pati na ng asukal, sibuyas at itlog. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …