Monday , May 12 2025
Dianne Medina Rodjun Cruz Baby

Dianne wish ng isa pang anak

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MASAYA si Dianne Medina sa estado niya ngayon bilang isa sa news reporter ng PTV4. Matagal na rin sa showbiz si Dianne kaya madalas itong maimbitahan sa mga event bilang host o  event organizer. 

Bukod diyan ay madalas din siyang makuhang endorser ng mga sari-saring produkto. Maganda kasi ang background ni Dianne at napapanood din natin sa iba’t ibang programa ng iba’t ibang network. ‘Yan ang maganda sa freelancer.

Bukod sa showbiz ay isang mabuting housewife kay Rodjun Cruz at may isa silang anak. Kahit hirap siya sa pagbubuntis ay wish pa niya ng isang anak para may kalaro ang anak.

Puring-puri niya si Julie Anne San Jose na kasalukuyang girlfriend ng bayaw na si Rayver Cruz at sana sila na ang magkatuluyan. Madalas ang bonding nila nina Rayver at Julie Anne. Nitong nakaraan Christmas at New Year sa kanila nagdiwang ang dalawa kasama ng kanilang pamilya.

About Joe Barrameda

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …