MA at PA
ni Rommel Placente
SOBRA namang nakaka-touch ang birthday message ni Maymay Entrata para sa kanyang ina na si Lorna.
Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ni Maymay ang litrato nilang mag-ina.
Ayon sa caption ng aktres, ang nanay niya ang dahilan kaya nalampasan niya ang mga pagsubok na hinarap sa buhay.
Sabi ni Maymay, “Happy Birthday mama , ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit nalalampasan ko bawat pagsubok bilang isang breadwinner.
“Inay kita pero ikaw pa ‘yung nahihiyang humingi ng tulong mula sa akin.
“Kaya mas lalo akong ginaganahang ibigay po sa ‘yo lahat kasi na appreciate mo po lahat ng pinaghirapan ko,”aniya pa.
Nagpapasalamat din si Maymay sa Diyos dahil binigyan siya ng ina na katulad ni Mommy Lorna.
“Wala sa katiting ang pinaghirapan ko sa pinagdaanan mo ma, kaya habambuhay ako saludo at nagpapasalamat sa Panginoon na may ina/ama akong tulad mong mapagmahal, malakas ang loob at mapagpatawad. Mahal na mahal kita ma, Happy Birthday.”