Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Gumabao

Paolo Gumabao ‘di iiwan ang paghuhubad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KILALA si Paolo Gumabao sa tapang magpakita ng kahubdan ng katawan sa mga una niyang pelikula tulad ng Lockdown (2021) na naghubo’t hubad at nagpakita siya ng kanyang pagkalalaki.

At bagamat kumambyo ang sunod na pelikulang ginawa, ang Mamasapano: Now It Can Be Told na ipinalabas noong Metro Manila Film Festival 2022 atsa Spring in Prague (na gagawin pa lang) under Boraccho Film Production sinabi nitong hindi iiwan ang paghuhubad.

Pero may kondisyon siya ngayon bago tumanggap na sexy projects.

Sa Mamasapano: Now It Can Be Told, napalaban siya sa drama at maaaksiyong eksena. At sa bago niyang project, ang Spring in Prague, magpapakilig naman si Paolo sa isang kakaibang love story na may pagka-wholesome. Makakatambal niya rito ang Czech actress na si Sara Sandeva mula sa panulat ni Eric Ramos, at sa direksiyon ni Lester Dimaranan.

Of course gagawa pa rin ako ng sexy movie. I see myself not as a celebrity. Hindi ako artista, I am an actor. I am a slave to the craft,” esplika ni Paolo.

“So, if someone gives me a script that I feel is beautiful and if I know that the director is gonna be working on it, if it’s an amazing and talented director na maalagaan ako sa lahat na mga eksena kong kukunan namin.

“Plus ‘yung magiging partner ko roon sa pelikula na ‘yun is an actress na alam ko na mabibigyan din ng hustisya ‘yung proyekto, game tayo riyan,” sabi pa ni Paolo.

Siguro I wanna make sure na festival-worthy siya. Not only Cannes. There’s a lot of prestigious award-giving bodies sa ibang bansa. Hindi lang naman kailangang Cannes. Maraming mga iba.

“So, if it’s a material or a script that I feel na madadala kami du’n or feeling ko kaya kong gampanan at bigyan ng hustisya, eh, tatanggapin ko po,” sabi pa ng aktor.

Next month sisimulan ang shooting ng Spring in Prague na kukunan pa sa Czech Republic.

I feel very blessed siyempre na napu-put into work ko na rin lahat ng mga natutunan ko sa nine years ko sa industriya.

“Kasi ngayon lang naman po ako nabibigyan ng chance. Pero hindi ko rin nire-regret at happy ako, masaya ako sa pinagdaanan ko.

“Kasi kung ibibigay sa akin ang ganitong project five years ago, hindi ko kaya, eh. So, feeling ko, dumating po lahat ng mga blessing sa akin kung kailan pakiramdam siguro ng universe na handa na ako,” sabi pa ni Paolo.

I’ve been dreaming of this moment since I was a kid. Lahat ng mga project na nakukuha ko ngayon were all manifestations kumbaga.

“Ini-imagine ko talaga siya dati pa. I also dreamed of working with a foreign actress, gaya ng nangyari. ‘Yung ‘Mamasapano,’ pangarap ko rin yun, mag-action.

“So to win awards, dream ko. Pero siyempre the learning doesn’t stop there. Alam ko rin talaga na napakaaga pa at napakabata pa ng career ko.

“Pere I’m just here right now, ginagawa ko ang best ko sa lahat ng proyekto na ibigay sa akin. At siyempre, hopefully, isa tayo sa tumagal sa industriya,” sabi pa niya.

Sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio, may-ari ng Borracho Film Production, si Paolo talaga ang first choice nila para sa Spring in Prague.

Actually, noong hindi pa siya tapos sulatin, kinausap na ako ni Atty. Ferdie Topacio about it because he really needed someone who could connect with a foreign actress kompara sa mga iba.

“Siyempre ako, I grew up in Taiwan. So, first language ko talaga is Chinese and English. So, kaya naging first choice ako para maging guide rin for Sara,” giit pa ni Paolo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …