Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lexi Gonzales Hailey Mendes Elijah Alejo

Lexi sobra ang kaba sa bagong classic series

RATED R
ni Rommel Gonzales

PINAKAMALAKING break so far sa showbiz career ni Lexi Gonzales ang bagong GMA Afternoon Primeseries ang Underage.

Mula sa classic film nina Maricel Soriano, Snooky Serna, at Dina Bonnevie noong 1980, binuhay ng GMA sa isang serye ang Undeage na ang mga bida ay sina Lexi, Hailey Mendes, at Elijah Alejo.

Sa zoom interview sa cast ng Undergae, hindi itinanggi ni Lexi na may nadarama siyang kaba sa kanilang show.

Aminado po ako na kinakabahan po talaga ako sa magiging outcome ng buong show.

“Pero nandoon naman po ang tiwala. Lahat po kami really worked hard for the show. And with that, ‘yun na lang po ang pinanghahawakan ko na it’s going to be a good show.

“Even though nandoon ang kaba, pinanghahawakan ko na lang po na we did a great show and I’m excited for everyone to see it.”

May kaba man, may tuwa rin sa parte ni Lexi dahil co-star niya sa Underage ang real-life boyfriend niya, ang Sparkle hunk actor na si Gil Cuerva.

Nandoon naman ang tiwala ko sa kanya kaya happy ako na nakasama ko siya rito sa show. Kasi, ang laking tulong na nandiyan siya for me.

“With everyone that is new in my life, at least, there’s one person who’s already a constant,” sinabi ni Lexi. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …