Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Ria Atayde

Zanjoe inamin tunay na relasyon kay Ria

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI na nagpaligoy-ligoy si Zanjoe Marudo at diretsahang inaming girlfriend na niya si Ria Atayde.

Ang pag-amin ay naganap sa show ni Karen Davila, ang Headstart sa ANC kasabay ng pagpo-promote nila ng bagong seryeng pagbibidahan sa ABS-CBN, ang Dirty Linen kasama si Janine Gutierrez.

Ang tanong ni Karen sa kanya, “I heard you were in a relationship right now. Kay Zanjoe muna tayo, you’re in a relationship right now?”

“Yes. Parang it’s out in the open naman na, so yes,”  sagot ni Zanjoe nang matanong ni Karen ang relasyon niya kay Ria.

At sinundan agad ng katanungang kung may plano na ba siyang mag-asawa sa lalong madaling panahon. 

“Ang aga, 9 o’clock pa lang. Ha-hahaha!” pabirong tugon ni Zanjoe at saka sinabing,  “Sobra lang akong nag-e-enjoy ngayon sa sitwasyon ng buhay ko, sa career ko, sa personal life, pero ‘yung mga ganyang bagay (pagpapakasal at pag-aasawa), masyado pang maaga.”

October, 2022 nang ihayag ni Sylvia Sanchez na nasa “dating stage”  ang kanyang anak na si Ria at si Zanjoe.

Hindi naman ikinaila na boto siya kay Zanjoe para sa anak dahil aniya, masipag at responsable ang  aktor at nakikita niyang mabait at marespeto iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …