ni MARICRIS VALDEZ
BODY positivity. Ito ang itinataguyod ngayon ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. sa kanilang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky na akma rin sa advocacy ni Ria Atayde na siyang bagong
calendar girl nito.
Kaya isantabi muna ang mga nakasanayang super sexy body na payat ang mga calendar girl dahil ibabandera ni Ria ang voluptuous side niya.
Ani Ria sa ginawang paglulunsad sa kanya kahapon ng tanghali na ginawa sa Pandan Restaurant, “Usually ang calendar girl, there’s a certain mold. That’s why this campaign resonated with me because it’s out to prove that beauty is in all forms, shapes and sizes.”
Kaya isa ito sa talagang nakapagpa-kumbinse kay Ria na maging isa na rin sa mga calendar girl.
Aminado si Ria na hindi niya na-imagine na magiging isa siyang calendar girl. Pero ito ang naging realization niya.
“I never thought that I’ll see myself as a calendar girl. If anything that changed, kaya ko pala.
“Actually, I did a birthday shoot but it feels like my personal consumption kind of thing. Pero publicly, kaya pala. I think, it brings confidence in myself also,” ani Ria.
Ipinakikita rin ni Ria na isang champion ng body positivity, sa pamamagitan ng kalendaryong ito, na ang pagiging sexy ay ang kompiyansa at pagiging komportable sa sarili.
“Beauty comes in countless forms, shapes, and sizes. At this day and age, hindi pwedeng i-kahon ang kagandahan,” sabi ni Ria. “Honored ako at ako ang napili bilang White Castle Whisky Girl as the brand allows and supports me in my advocacy to empower each and every woman to embrace her femininity and celebrate her body.”
Binago na nga unti-unti ng White Castle ang mga calendar girl nilang nakasuot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture. At ngayon, bahagi na si Ria sa prestihiyosong roster ng White Castle girls na kinabibilangan nina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Techie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado, at Roxanne Guinoo.
Ginawa ng White Castle Whisky ang ‘di inaasahan sa panahon ng internet. Bago mag-2021, ginulat ng brand ang mga netizen nang ipinakilala nila ang YouTube chef at content creator na si Ninong Ry bilang kauna-unahan nilang White Castle Boy.
“We weren’t looking to take ourselves too seriously at the time. Coming from the pandemic and working with our tagline Dapat light lang, we decided that we should feature someone that had also persevered and created a following during the pandemic,” ani Aaron James Limpe Aw, Executive Vice President ng Destileria Limtuaco. “Gumawa ng content para sa amin si Ninong Ry kaya naman naisipan namin na suportahan ang mga sumusuporta sa amin.”
Noong 2021, ibinigay ng brand ang desisyon sa mga tao nang buksan nila ang titulo ng kanilang calendar model sa publiko. Sa public online search na ito, ang TikTok sensation na si Sassa Gurl ang nagwagi at siya ang naging 2022 White Castle Calendar na talaga namang pinuri sapagkat ito ay inclusive at isang tagumpay para sa LGBT community.
“Noong umpisa, hindi naman talaga namin ito intensiyon and it was definitely a gamble. We knew there were those who would have negative reactions to our move,” sabi naman ni Brandon Jon Limpe Aw, VP for Administration ng Destileria Limtuaco.
Naging malakas ito sa media firestorm at napagtanto ng brand na marami pa itong maaaring gawin sa kanilang taunang kalendaryo. Gaya nga ng sabi ng Destileria Limtuaco President at CEO na si Olivia Limpe-Aw, “ini-launch ng mga kalendaryo namin ang karera ng maraming aktres at mga modelo. With that kind of clout, nagdesisyon kami na maaari naming gamitin ang platform ng aming kalendryo para mag-launch ng iba’t-l ibang klaseng causes at advocacies.
“Sexy calendars have become a contentious concept. The featured beauty standards have been deemed unrealistic and not representative of the everyday female,” sabi pa ni Limpe-Aw.