I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGKAKAROON ng Book 2 ang hit Kapuso historical series na Maria Clara at Ibarra.
But this time, mas matapang na Ibarra na ang ipamamalas ng aktor na si Dennis Trillo.
Binago ang looks ni Dennis na lalabas bilang si Simon na matapang at maangas ang dating.
Re-imagined lang ang TV version ng Maria Clara at Ibarra kaya panoorin muna bago umangal sa pagbabagong anyo ni Dennis, huh.
Pero sa nakaraang episode na napanood namin, nagpakitang-gilas ng pag-iyak si David Licauco bilang si Fidel, huh! ‘Yun nga lang, may pa-yummmy si David habang umiiyak dahil hubad siya at ipinakita ang ipinagmamalaking magandang porma ng katawan.