Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre

Nadine Lustre bagong Box Office Queen at Horror Queen

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PARA siyang panaginip. Kasi hindi sanay.” Ito ang mga salitang sinabi ni Nadine Lustre nang matanong ukol sa naramdaman niya ngayong kinabog niya sa pagiging Box-office Queen ang tinaguriang Unkabogable Star na si Vice Ganda?

Kitang-kita ang kaligayahan kay Nadine lsa naganap na Thanksgiving mediacon ng Viva Entertainment na ginanap sa Greyhound Cafe sa Rockwell, sa pagiging number one ng pelikulang Deleter sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2022.

Dumalo rin sa Thanksgiving ang co-stars niyang sina Louise delos Reyes at Jeffrey Hidalgo gayundin ang direktor nilang si Mikhail Red na itinanghal namang MMFF 2022 Best Director.

Ano ba naman ‘yung tumalo? Hindi ko po alam. Kasi, kapag inisip ko po ang mga ganyan, parang unreal siya sa akin. Parang nangyayari ba ‘to?

“Para siyang panaginip. Kasi nga I guess, hindi rin sanay. Parang bago rin kasi. Tapos ang ganda rin po talaga ng mga nangyayari sa ‘Deleter’ kaya ang hirap din pong i-digest,” sagot ni Nadine na bukod sa titulong Box-Office Queen ay tinatawag na rin siya ngayong bagong “Horror Queen.”

Sinabi pa ni Nadine na hindi niya inaasahan ang tagumpay na tinamasa ng Deleter.

Wala po talaga, hindi po namin siya in-intend na MMFF. Parang nasabi na lang po sa amin na ilalagay sa MMFF, parang last two days ng shoot namin, hindi po talaga,” sambit pa ni Nadine.

Sobra-sobra naman ang pasasalamat niya sa mga taong sumuporta, nanood ng kanilang pelikulang Deleter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …