Sunday , November 17 2024
Anjo Yllana Jomari Yllana

Anjo wala ng galit kay Jom — Kung importante ako, s’ya na ang lumapit

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BLOOD is ticker than water. Ito ang gustong patunayan ni Anjo Yllana sa pahayag niyang handa siyang makipag-ayos at makipag-usap sa kapatid na si Jomari Yllana na nakasamaan niya ng loob.

Sa media conference ng bago nilang pelikula ni Janno Gibbs sa Viva Films, ang Hello, Universe kinamusta si Anjo ukol kay Jomari na nakatampuhan niya noong eleksiyon ng Mayo 2022. Umatras si Anjo sa kanyang kandidatura sa 4th district ng Camarines Sur   dahil ibinulsa umano ni Jomari at ng girlfriend nitong si Abby Viduya ang kanyang campaign funds. Mariin naman itong tinanggi ng kampo ni Jom.

Nilinaw ni Anjo na hindi pa rin sila nagkakaayos ng kapatid kahit na dumaan na ang Pasko at Bagong Taon.

“We haven’t spoken for almost a year, hindi pa kami nag-uusap at mayroon kaming hindi pagkakaunawaan, to be honest.

“Hindi na naman ako galit, pero yes, nagalit ako, nagtampo ako but tapos na ‘yun, eh. Though wala pang closure at wala pang nagri-reach out,” sambit ni Anjo.

At dahil siya ang panganay, expected ng marami na siya ang gagawa ng paraan para maayos ang gusot nila ng kanyang kapatid. “Panganay ako, eh (sabay tawa). Pero handa naman akong tanggapin (kapag nag-sorry). For me kasi, tapos na ‘yun, eh.

“Ang sa akin lang, being the eldest, bilang parang padre de pamilya na, kasi for so many years noong nagkasakit ang tatay ko I took care of them (mga kapatid), pinag-aral ko ‘yan (Jomari), inalagaan at ginabayan ko, eh, kasi panganay nga ako,” kuwento ni Anjo na sa edad 16 ay nagtrabaho na para  matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

“So, ang sa akin, bigay n’yo na lang sa akin, kayo na ‘yung lumapit,” sabi pa ni Anjo.

Iginiit pa ni Anjo na mas okey sa kanya na sila-sila ang magresolba ng anumang gusto nila. “Ayoko kasi ng may mag-bridge, mas okay ‘yung kusa. Pero sabi ko, sa akin okay lang at hindi rin ako nag-iisip ng masama sa kanya.

“Tapos na ‘yung tampo at galit ko, ang gusto ko lang kung talagang importante ako sa kanya bilang kapatid at kuya, siya na lang ang lumapit kasi hindi ko naman siya gugulpihin, eh.  

“Ang akin lang, inalagaan ko rin naman kayo, eh, tapos ako pa ang lalapit sa inyo. Parang…kayo naman ang lumapit. Pero sabi ko, wala na ‘yun. Hinihintay ko na lang ‘yung ano…kung hindi pa time, hindi pa ready, okay lang.

“Basta ako, ang message ko lang kay Jomari, hindi ako galit, tapos na ‘yun, nagalit ako sa kanya, oo. But ipinagdasal ko rin ‘yun, napatawad ko na lahat ng nangyari. So ‘yung emotions na masama, wala na sa akin ‘yun.

“Kung gusto niyang pumunta sa akin, if he wants to talk to me, open ako. Hindi ako makikipag-away at handa akong makipagbati. Basta kayo ang makipagbati dahil mas matanda ako sa inyo, eh,” ani Anjo.

Samantala, isang fantasy comedy film ang Hello, Universe na kasama rin sina Benjie Paras, Maui Taylor, atSunshine Guimary. Idinirehe at isinulat ito ng aktor na si Xian Lim.

Iikot ang kuwento sa isang lalaki na hindi maka-move on sa isang pagkatalo noong high school. 

Anang direktor na si Xian, kumuha siya ng inspirasyon sa kanya mismong karanasan bilang wannabe professional basketball player bago siya pumasok sa showbiz.

Si Janno si Ariel na apangasawa ang high school sweetheart (Maui), at may anak silang mabait at hardworking na dalaga (Madelaine Red). Nagtatrabaho siya bilang quality inspector sa isang fertilizer company.

May paniwala si Ariel na mas maganda pa sana ang buhay niya kung naipanalo niya ang isang basketball game noong high school siya. Kinaiinggitan niya ang dati niyang nakalaban na ngayon ay isa nang sikat at mayamang coach.  Buti na lang at pinagagaan ng kanyang best friend na si Rocky (Anjo) ang kanyang loob tuwing naiisip niya ang mga bagay na sana’y nangyari.

Pero ang mga bagay na paulit-ulit nating iniisip minsa’y nagiging magnet at gumagawa ang universe ng paraan para makuha natin ito.  Sa kaso ni Ariel, isang magical figure na si Jessie (Benjie, na may futuristic jeepney, ang magdadala sa kanya sa buhay na pinapangarap niya – at ‘yon ay nasa alternate universe.

Sa kanyang bagong realidad, gigising si Ariel katabi ang bagong asawa (Sunshine), iba na rin ang kanyang anak (Majo Lingat), pero pareho pa rin ang mga kontrabida sa buhay niya – sina Mac Morales (Gene Padilla), ang kalaban niya sa basketball, at si Leeroy (MJ Cayabyab), manager sa kompanya.

Ginawa ni Xian ang pelikula para mag-entertain at ma-uplift din ang mga manonood. 

Ang Hello Universe ay mula sa  Viva Films at sa mga sinehan simula sa January 25, 2023.

—30–

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …