Sunday , November 17 2024
Paco Arespacochaga Cedric Escobar Introvoys

Introvoys aktibo sa US, Canada; Paco tumutulong sa mga baguhang singer

NAKABIBILIB ang ginagawang pagtulong ni Paco Arespacochaga sa mga baguhang singer na gustong magkapangalan at makilala.

Ito bale ang matatawag na pay it forward ni Paco dahil noong nagsisimula rin sila ng kanyang grupong Introvoysay may mga personalidad at banda na tumulong din sa kanila para maabot ang kinalalagyan nila ngayon.

Bagamat hindi natin naririnig sa Pilipinas ang kanilang bandang Introvoys nilinaw ni Paco na hindi sila nawala o tumigil.

Sa America at Canada kami maraming gigs/ concerts at nagpupunta sa kung saan-saang lugar,” anang drummer/singer ng Introvoys. “Hindi kami nawala tunutugtog pa rin kami at may mga gig pa rin,” dagdag ni Paco na lahat ng kabanda niya ay sa US na naninirahan kaya roon na sila nakakapag-show.

Pgbabalita pa ni Paco pinagre-record uli sila ng PolyEast ng album kaya posibleng magkaroon din sila ng isang malaking concert sa Pilipinas tulad ng ginawa ng Eraserheads.

Ar dahil madalas ang concerts ng grupo ni Paco nakakadiskubre sila ng mga bagong talent. May isang show sila na may magpu-front act sa kanila.

Roon niya nakita si Cedric Escobar na taga-New York. Pinoy na mahilig kumanta. Na nang iprisinta sa kanya para mag-front act tinanggihan niya. Bagkus inilagay niya iyon sa gitna ng show kahit hindi pa niya naririnig ang noses niyon. At hindi naman siya nagkamali dahil magaling si Cedric.

Ani Paco, nang marinig niya ang tinig ni Cedric, naisip niya na bigyan ng pagkakataon ito na maipakita pa ang kakayahan.

Ayoko kasi sabihin na porke front act eh, hanggang doon na lang. The reason why inilagay pa rin namin siya sa middle part ng show is to see kung masu-sustain o maitatawid niya ang second part ng show. He did! Na dapat nating ginagawa sa mga hopeful para mas makita pa natin ang kakayahan nila.”

Isinama nga ni Paco si Cedric sa ‘Pinas. At agad naipasok sa PolyEast Records na agad namang nabigyan ng kontrata at ilulunsad na ang kanyang single at eventually ay ang buong album.

Ang single ni Cedric ay ang Di Na Ba. Isang hugot song niya na base sa naranasan sa isang relasyon. Isinulat ito ni Paco.

Malaki naman ang pasasalamat ni Cedric kay Paco dahil isa na siyang recording artist ng PolyEast.

Naiparinig ni Cedric ang kanyang single sa A Prayer for Alex, na naroon ang mga batang may kanser kasama ang kanilang mga pamilya.

Tumutulong si Cedric sa naturang foundation dahil malapit sa kanyang ama ang tatay ng namayapang si Alex kaya naging misyon at adbokasiya na rin nila ang pagtulong.

Naging matagumpay ang event sa tulong na rin  ng Yugorithm, Smart Equity Partners, at ang York Healthcare ng mga magulang. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …