MATABIL
ni John Fontanilla
MARIING pinabulaanan ni Gerald Anderson ang tsismis na kasal na sila ng girlfriend niyang si Julia Barretto at isini-sikreto lang nila.
Ayon kay Gerald walang katotohanan ang kumakalat na balita, if ever kasal na sila ay hindi nila ito itatago sa publiko lalong-lalo na sa kanilang supporters.
“’Pag dumating tayo riyan, there’s nothing to hide,” ani Ge.
Pero if ever nga na mayroong siyang babaeng gustong iharap sa altar at makasama ng buong buhay, walang iba ‘yun kundi si Julia.
“Is she the person? Yeah. But you know, knowing me, ‘pag nangyari ‘yun, I want to start a family right away. Gusto ko tuloy-tuloy na. So before that comes, kailangan ano na tayo, I’m in a position na I know na kahit anong mangyari magiging set ‘yung family ko.”
Mukhang pinaghahandaan na nga ni Gerald ang sarili sa paglagay sa tahimik at pagkakaroon ng pamilya.