MATABIL
ni John Fontanilla
MAY panalangin sa pagsalubong ng Bagong Taon ang mahusay na TV host-comedian na si Vhong Navarro.
Ibinahagi ni Vhong sa kanyang Instagram account ang isang larawan na kasama niya ang ina, asawang si Tanya, at mga anak na sina Isaiah at Fredriek.
Caption niya: “Praying for a kinder 2023. Happy New Year!”
Hindi masyadong naging maganda at mabait sa kanya ang taong 2022, kaya naman ngayong 2023 ay umaasa itong magiging okey na ang lahat at malalagpasan niya ang kontrobersyang pinagdaanan noong nakaraang taon.