Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NET25 Lets Net Together New Year 2023

NET25’s New Year Countdown matagumpay

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA at matagumpay ang naging pagsalubong sa Let’s NET together 2023 Countdown Special ng NET25 na ginanap sa Philippine Arena.

Nagsama-sama sa malaking  selebrasyon ang NET25 stars, celebrities, at mga paboritong banda na sinalubong ang Bagong Taon.

Nakasama sa selebrasyon sina Tito, Vic and Joey, Aga Muhlach, Eric, Epy at Vandolph Quizon, Ara Mina, Love Anover, Empoy Marquez, Ace Bazuelo,PriceTagg, Gloc 9, Nobita,Alexa Miro, Jay-R, G22, Mayonnaise, Emma Tiglao, Billie Hakenson, Isabelle De Los Santos, Daiana Menezes, Rikki Mathay, Bearwin Meily, Wej Cudiamat, Tonipet Gaba, CJ Hirro and Jumanji Band at marami pang iba.

Isa rin sa naging highlight ng event ang world class fireworks display na mas nagpaliwanag ng kalangitan. Habang nakisaya naman at nakisali sa Selfie with the Agila Promo ang mga nagpa-register online sa NET25.com.

Nagwagi naman ng (3) brand new cars at cash prizes na umabot ng P100K ang mga nanood sa telebisyon na nag-selfie habang nanonood ng NET Together 2023 New Year Countdown Special at in-upload iyon sa NET25.commula December 31, 2022, 10:00 p.m. hanggang January 1, 2023, 1:00 a.m.. 

Nagkaroon din ng araw na iyon ng rides, bazaar, food market, at booth stalls na nag-aalok ng iba’t ibang mga paninda at delicacy na ang iba ay doon na family picnics, bonding, at get-together.

Napapanood ang NET25 sa mga sumusunod na channels: Channel 49 (digital free TV), 25 (Analog free TV), 18 (Skycable), 17 (Cablelink), 14 (Cignal), 18 (destiny), 25 (Satellite), at 42 (G-Sat).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …