I-FLEX
ni Jun Nardo
UNANG buwan pa lang ng taong 2023, pero heto’t bumulaga sa social media ang umano’y hiwalayan ng showbiz couple na sina Elise Joson at McCoy de Leon.
Pinagpipistahan ng netizens sa Twitter si McCoy na trending dahil sa umano’y break up kay Elisse na may isa silang anak.
Eh may lumabas pang mensahe si Mccoy para sa anak nila ni Elisse na humihingi ng paunawa kung mabibigyan siya ng pagkakataong makausap ito sa hinaharap.
May lumabas pang messages si McCoy online na humihingi ng apology matapos siyang maugnay sa content creator na si Mary Joy Santiago.
Naglabas din ang aktor sa kanyang Instagram story kahapon confirming na split na sila ni Elisse pero nilinaw niyang walang third party involved.
Bahagi ng pahayag ni Mccoy, “Hindi ko po intension manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema ko kaya po ko sumuko.”
Pero may hindi naniniwalang netizens sa pahayag ni McCoy kaya naman sinabihan siya ng, “Welcome to the cheaters club, Mccoy de Leon.”
Naku, kasisimula pa lang ng taon, cheating season agad.