I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKAGUGULAT ang pagpasok sa Top 3 ng pelikulang kumikita sa walong entries ng Metro Manila Film Festival ang Family Matters.
Ayon sa reports, napatili ng movie ni Vice Ganda at Nadine Lustre ang Top 1 at 2 sa top grossers sa festival at number 3 ang Family Matters na masasabing dark horse sa entries.
Senior stars ang bida sa movie na sinabihan ng tested junior stars and yet, malakas sa takilya, huh!
Eh ipinagtataka ng marami ang hindi pagkakapasok sa Top 3 ng movie nina Toni Gonzaga at Joey de Leon na My Teacher. Eh malakas pa naman daw influencer si Toni kaya hanap ang mga ito ng netizen lalo na’t bago ang presidential elections last May, si Toni ang sikat na sikat sa lahat ng endorsers ni President BBM, huh!